NAG-last day na ng public viewing sa legendary actor na si Eddie Garcia kahapon, pero patuloy na binabaha ang social media ng mga mensahe ng pagdadalamhati ng buong showbiz industry sa kanyang pagpanaw.

Kabilang sa kanila ang dating ABS-CBN president at Maalaala Mo Kaya host na si Charo Santos-Concio.

Gumanap sina Eddie at Charo na mag-asawa sa pelikulang Gumapang Ka Sa Lusak.

Post ni Ms Charo sa Instagram: “So much love and respect for this man... Mr. Eddie Garcia — the epitome of professionalism and humility!! Thank you for sharing your gift to us for 70years!! My love, prayers and condolences to his loved ones.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Maging si Julia Montes, na ilang buwan nang nananahimik sa social media, ay nag-post nitong Sabado para sariwain ang alaala ng namayapang aktor, na nakasama niya sa ilang Kapamilya shows.

Sa Instagram post ni Julia nitong Sabado, inalala ni Julia ang unang beses niyang nagpa-picture kasama si Eddie.

“This day naalala ko ung hiya ko magpapicture sainyo... Pero looking back sa photo na ‘to, daming memories... Mga advices and jokes mo, Tito Eddie, ‘di ko po makakalimutan... We will miss you! Thank you for being an inspiration to all of us.”Nagkasama sina Julia at Eddie sa defunct ABS-CBN weekend series na Wansapanataym presents Yamishita’s Treasures, na pinagbidahan ni Coco Martin, noong 2015.

Mayo 25 pa huling nag-post sa Instagram si Julia, nang magbigay-pugay siya sa ika-65 anibersaryo ng ABS-CBN.

Nauna rito, matagal nang usap-usapan ang biglaang pananahimik ni Julia sa social media at maging sa showbiz, hanggang sa pumutok ang balitang isinilang daw niya ang anak nila ni Coco noong unang linggo ng Abril 2019.

Hanggang sa ngayon, wala namang kumpirmasyon sa nasabing balita mula sa parehong kampo nina Julia at Coco.Kasama rin sa mga nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Manoy Eddie si Dawn Zulueta, na nakatrabaho ng aktor sa pelikulang Bakit May Kahapon Pa?.

“Goodbye to this brilliant, beloved man.. A man who many consider a National Treasure of Philippine Cinema, whose film career has spanned more than 60 sparkling years.. I am honored to have had the distinct privilege of working with him in the 1996 Joel Lamangan film Bakit May Kahapon Pa?. I will never forget his arresting professionalism, quiet handsomeness and gentlemanliness; such cool elegance! You will be in our hearts for ever. Thank you, Mr. Eddie Garcia.”Hindi rin makalimutan ni Pokwang ang una nilang pagkikita ni Manoy Eddie noong hindi pa artista ang komedyana, hanggang sa magkatrabaho sila sa pelikulang Nobody But Juan.

“Una kitang nakita noong Grade 3 pa ako, nagsu-shooting ka sa lugar namin sa Antipolo ng pelikulang Sa Ngalan Ng Anak. Nagpahanap ka ng manikyurista at si Aling Celia na kapit bahay namin ang nag-manicure sa ‘yo.

“Sumama ako para makita kita at nakatunganga ako sa ‘yo. Tapos napuna mo ako, at sabi mo sakin, ‘anak, puwede ka kumurap, ha?’ sabay tawa. At tinanong mo ako kung anak ba ako ng Intsik kasi chinita ako. Hiyang-hiya ako, pero natuwa ako sa ‘yo dahil mabait ka at palabati.

“2009 nakatrabaho kita with Tatay Dolphy sa pelikulang Nobody But Juan. Grabe, dream come true para sa ‘kin, at halos maiyak ako sa saya. Kayo ni tatay Dolphy ang napakagandang halimbawa ko pagdating sa disiplina sa trabaho.

“Yakap mo ako kay Tatay, ha? Kasama ka lagi sa ipagdarasal ko. Yakap ka na ni Papa God #riptitoeddiegarcia”

Maging ang aktres na si Heart Evangelista ay nagsabing masuwerte raw na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho si Eddie sa 2012 GMA-7 series na Legacy.

Post ni Heart sa IG: “What an impact you have made in Philippine cinema, Tito Eddie. Being given the chance to work with such an amazing actor like you is something I will treasure. You gave me not just the memories but also life lessons. May you rest in peace. You will be missed.”

Mami-miss din daw ni Agot Isidro si Eddie, na huli niyang nakatrabaho sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“I will miss you. We will miss you. It was pure joy and an utmost honor to work alongside you. You were a generous, fun loving, tireless soldier who was always excited to come to work every day, sharing your genius with everyone (and your stash of bourbon sa mga last punggol). I love you, Papa. Have fun in heaven. Who will greet me ‘Hello Beautiful’ now?”

Nagpasalamat din at nagpaabot ng pakikiramay sina Michelle Vito, na nakasama ni Manoy Eddie sa ABS-CBN drama series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon (2015), at si Juancho Trivino, na nakatrabaho ng premyadong actor-director sa teleseryeng Little Nanay (2015).

Pumanaw si Manoy Eddie nitong Huwebes, makaraang 12 araw na ma-comatose matapos na maaksidente habang nagte-taping nitong Hunyo 8.

-ADOR V. SALUTA