MAGANDA ang kuwento ni Heart Evangelista kung paano siya nakuhang brand ambassador ng premium oral glutathione supplement na Thiocell.

Heart Evangelista copy

“Ayaw ko nang maraming iniinom na supplements. Kaya nang minsang malaman ko sa ilang friends ang tungkol sa Thiocell, early 2018, nag-try na akong gamitin ito,” kuwento ni Heart.

“Ang maganda, takot ako sa injection at ayaw ko nga ng maraming iniinom na gamot, kaya tamang-tama sa akin ito. In grape-flavored lozenge form ito kaya parang candy. Puwede mong tunawin sa mouth mo or chew it,” sabi pa ni Heart tungkol sa bagong ineendorso niyang produkto, na mabibili sa mga pangunahing drug stores, at maging online.

Sa kabila ng ups and downs: Jillian Ward, transformative ang 2025!

“Siniguro ko rin tested na ito ng mga doctors, bago ko ginamit. Trusted company ang Brady Pharma, Inc. na gumagawa nito.”

Ayon sa Director-COO ng nasabing pharma firm na si T.K. Rameash, si Heart daw ang first and last choice nila para mag-endorse ng kanilang product na complete body supplement.

“Dahil sa dami ng work ko, tamang-tama sa akin,” sabi ni Heart.

“I’m busy taping for StarStruck 7 at every other two week umuuwi ako sa Sorsogon, dahil si Chiz (Escudero), my husband, is the new governor of Sorsogon.

“Okey naman sa kanya kung hindi ako mag-stay nang matagal doon dahil narito naman sa Manila ang work ko, at kasama ko ang dalawa naming anak.”

Paano na ang pagbubuntis ni Heart kung she’s very busy now?

“Medyo nagka-trauma ako nang hindi nagtuloy ang pagbubuntis ko noon. Siguro, hindi pa right time, sa akin. Kung hindi pa Niya ipagkakaloob ngayon, siguro sa susunod na pagkakataon.

“Pinag-usapan na namin iyon ni Chiz. We are both busy. Anyway naman, we have our two children now.

“Hindi rin muna ako tumanggap ng bagong teleserye sa GMA Network, dahil para na ring serye itong StarStruck 7, which I am enjoying, dahil sa mga hopefuls na ini-interview namin nina Ms. Cherie Gil at Jose Manalo.

“May dalawa rin akong movies na ginagawa na promise, ang hirap talaga ng mga eksena, at malalaman ninyong totoo ang sinasabi ko, kapag napanood ninyo ang movie.”

Ayaw pang magbigay ng detalye si Heart tungkol sa shooting ng movie, and another one na action ang tema, na ginagawa niya sa China.

-NORA V. CALDERON