INALMAHAN ni Ms Katrina Ponce Enrile ang kumalat na fake news na pumanaw na raw ang amang si dating Senador Juan Ponce Enrile.

Katrina at ex-Sen. Enrile

Sa Instagram, nag-post si Katrina ng art card mula sa isang Ronald D. Cayetano: “BREAKING NEWS: Former senator and notable Filipino politician Juan Ponce Enrile, who is a key figure in the ouster of former Philippine President Ferdinand E. Marcos, quietly passed by his bedroom door this morning. He is 95.”

Ang petsa ng sinabing pumanaw na ang dating senador ay nitong Sabado, Hunyo 22.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Kaagad namang nilinaw ni Katrina ang nasabing impormasyon.

“My father is still alive. It’s alarming to get so many messages asking me if my dad just passed away. He is actually eating right now,” post ni Katrina.

“I know who started this vicious fake news. Do you want me to name you? Please have a heart and stop! Have a heart and leave us alone! If you think this is a joke, it’s a bad joke.

“You are a heartless human being to think that it even constitutes as being humorous or entertaining! And if you wish that upon anyone, then shame on you.

“I understood your caption but it’s totally malicious and meant to mislead people. For you to be able to even think, say, write and post this is just unbelievably mean! #jpe #stopbullying #fakenews#katrinaponceenrile.”

Base naman sa mga komentong nabasa namin, hindi sila naniwala kaagad sa kumalat sa social media, at hinintay nila ang pahayag ng pamilya Enrile. Hindi naman kasi magandang biro kung sinuman ang nagpapakalat nito, bukod pa sa karma ang aabutin ng taong iyon.

Matatandaang kumandidato si Enrile sa nakalipas na midterm elections noong nakaraang buwan sa hangaring makabalik sa Senado, pero hindi siya nanalo.

-REGGEE BONOAN