BUKOD sa sabay-sabay na big projects sa GMA Network, magkakasunod ang kumukuhang giant companies kay Dingdong Dantes bilang endorser.
Nitong nakaraang Huwebes, inilunsad si Dingdong bilang brand ambassador ng Mesa. Sa pahayag ng CEO ng Foodee Global Concepts na si Rikki Dee, na-reveal ang maituturing na open secret ng mabilis na growth ng restaurant.
An g p a g k a k a r o o n n g wholesome image ni Dingdong ang pangunahing kinonsidera nila.
“Dingdong i s the b e s t representation of where we want to take Mesa as a brand,” sabi ni Mr. Dee nang tanungin kung bakit si Dingdong ang kinuha nilang brand ambassador. “He is a modern Filipino family man who puts his family first and settles with nothing but the best for his family. In the same way, Mesa treats its guest as its own family, nothing but the best in food, service and ambiance for them here at Mesa.”
Nagsimulang maliit na restaurant ang Mesa na simple lang ang goal, maibigay sa kanilang guests na naghahanap ng konting adventure at twists sa kinamulatan na nating mga lutuing Pilipino.
Pagkaraan ng sampung taon, mayroon na silang 50 outlet.
Pina s ika t ng Me s a ang Crispchon, ang juicy at flavorful rendition ng lechon de leche na mayroong dalawang bersiyon, nakabalot sa malunggay crepe at hinaluan ng chili-garlic. Ito ang bestseller nila pati na ang baby squid in olive oil, tinapa roll, laing, braised beef at ang mouthwatering na shrimp in salted egg sauce.
Nalinaw sa launching kay Dingdong na si Sen. Kiko Pangilinan ang una nilang brand ambassador, hindi isa sa mga may-ari na siyang common knowledge ng showbiz people. Pero may tig-isang franchise ng Mesa sina Sharon Cuneta at KC Concepcion, ang outlet sa Greenbelt at Mall of Asia.
Kuwento ng CEO, dati silang schoolmates ni Sen. Kiko kaya hindi siya nahirapang kunin ito bilang image model nila.
Tunay na family-oriented ang pagpapatakbo sa Mesa, at sa katunayan ay willing silang idagdag sa kanilang menu ang anumang masarap na lutuin ni Marian Rivera.
Long range ang plano sa pagkuha ng Mesa kay Dingdong, dahil hindi lang siya magiging brand ambassador. Kalaunan, magkakaroon ng sariling outlet ng resto ang aktor.
Isasabay sa pagsampa ni Dingdong sa kompanya ang kanilang #RoadTo100 o ang target na 100 outlets sa mga susunod na taon. Kasama na rito ang branches na magbubukas sa Los Angeles, USA at Qatar at iba pang bansa.
Ang Foodee Global Concepts na pinamamahalaan ng mag-amang Rikki at Eric Dee (COO) ang siya ring nagpapatakbo sa iba pang sikat na restaurants na kinabibilangan ng Tim Ho Wan, Hawker Chan, Kam’s Roast, Tsuta Ramen, Foo’d, at iba lang brands.
-DINDO M. BALARES