Mga Laro sa Linggo

(Paco Arena)

1:00 pm Army vs Cignal

3:00 pm Navy vs Air Force

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

5:00 pm VNS VC vs PLDT

SA pamumuno nina Nico Almendras at Edward Camposano naitala ng Sta. Elena Ball Hammers ang isang upset kontra Rebisco-Philippines, 25-23, 27-25, 21-25, 25-18 sa 2019 Spikers’ Turf Reinforced Conference noong Huwebes ng hapon sa Paco Arena.

Nagtala si Almendras ng 18 puntos mula sa 14 attacks, 3 blocks, at isang ace habang nagdagdag si Camposano ng 14 puntos para sa Sta. Elena na naluklok sa fifth spot sa pag-angat nila sa markang 5-3.

“Siguro masama lang ‘yung laro nung RP. Wala silang receive eh, kitang kita naman. Kami naman nothing to lose eh [pero] at least nakita namin kung anong potential meron ‘yung team namin ngayon,” ani Sta. Elena assistant coach Dong Dela Cruz na nakatunggali ang kanilang head coach kapwa sa Sta. Elena at Rebisco na si Dante Alinsunurin.

Patas sa 7-all sa fourth frame, kumamada ang Sta. Elena ng 9-2 run sa pangunguna nina Almendras at Camposano upang itayo ang 16-9 na kalamangan na hindi na nila binitawan hanggang maangkin ang tagumpay.

Si Bryan Bagunas na naglaro din sa Air Force sa unang laro ang namuno sa Nationals na bumagsak markang 6-2, panalo-talo sa itinala nyang 18 puntos.

Hindi na lumaro sina Marck Espejo at Peter Torres sa Rebisco matapos maunang maglaro sa Cignal gayundin si Rex Intal na may iniinda namang back spasms.

Nauna rito, ginapi ng Go for Gold-Philippine Air Force ang IEM Phoenix, 25-21, 25-16, 23-25, 25-19, para sa ika-4 na sunod nilang panalo.

Namuno din sa nasabing laro si Bagunas na may 12 puntos.

Dahil sa panalo, umangat ang Jet Spikers sa barahang 6-1, panalo-talo.

Pinamunuan naman ni Razzel Palisoc na umiskor ng 14 puntos para sa IEM na bumagsak sa ikapitong kabiguan sa walong laban.

Sa isa pang laban, pinamunuan naman ni JP Bugaoan ang Cignal HD Spikers sa pagwalis sa cellar-dweller Easytrip-Raimol sa straight sets, 25-17, 25-12, 25-17 para sa ikapitong sunod nilang panalo.

-Marivic Awitan