MATUTUNGHAYAN ang husay ng mga musikerong Pinoy sa gaganaping 25th Fete de la Musique sa The Ruins Poblacion, Makati City ngayong Sabado, Hunyo 22.

Bayang Barrios, Abra, Joey Ayala

Ang dalawang araw na pagdiriwang ay tatampukan ng mga premyadong Pinoy band, singers at song writers sa 52 pocket venues.

Mapapanood sa A-Venue Main Stage ngayon ang Pinoy favorites na sina Unique, Apartel, Ang Bandang Shirley, Dicta License, at si Ebe Dancel. Makakasama rin nila ang electronic music producer at multi-instrumentalistna si SAË, na internationally renowned mula sa Paris para sa dalawang araw na Fete-stivities sa Manila.

Tsika at Intriga

Ogie may banat, ginamit 'modus' ng mga naka-school uniform na nagtitinda ng sampaguita

Magbibigay din ng kasiyahan ang inihandang #GlobeFete Production Number, na tatampukan ni Francis de Veyra bilang musical director at Daniel Darwin na siyang creative director.

Ang multi-genre medley ng mga OPM classics ay pagbibigay parangal sa 25 taong pagdiriwang ng Fete de la Musique sa bansa, gayundin sa mga OPM artists tulad nina Abra, Bituin Escalante, Bayang Barrios, Barbie Almalbis, Cooky Chua, Jensen Gomez, Joey Ayala, Kat Agarrado, Ron Henley, Brass Pas PasPasPas at iba pa.

Magpapatuloy ang pagdiriwang ng Fete ngayong Sabado sa Greenbelt Main Stage at 52 pocket stages sa buong Makati City. Mula rock ’n roll hanggang sa jazz, blues at funk, papailanlang ang musika para sa sambayanan.

Sa Greenbelt Main Stage, tampok sina Dayaw, Pinkmen, CRWN x August Wahh, TodoPasa, She’s Only Sixteen, The Ransom Collective, Project Yazz x Skarlet Brown, Hernandez Brothers x Quest, Ciudad, Autotelic at Urbandub.

Para maiparating ang Fete de la Musique sa mas maraming sektor, nakipagtambalan ito sa Bizooku para ma-develop ang Fête PH app. Matutunghayan dito ang listahan ng nakatakdang programa gayundin ang mga venues at artists na magpe-perform.

Para sa kompletong lineup ng mga performers sa pagdiriwang ngayong taon, i-download ang FetePH mobile app o bisitahin ang www.facebook.com/FetePH.