Masusubok ang kakayahan ng knockout artist at 23-anyos na si Joepher Montano ng Pilipinas sa kanyang pagsabak kay Indonesian John Ruba para sa bakanteng IBO Oceania at WBC Asian Boxing Council Continental welterweight titles sa Hulyo 7 sa Kupang, Indonesia.
May rekord na 10-4-2 win-loss-draw na may 9 panalo sa knockouts si Montano na natamo ang bakanteng Asian Boxing Federation super lightweight title noong nakaraang Marso 30 sa pagpapatulog sa 6thround kay dating Philippine Boxing Federation junior welterweight titlist Rodel Wenceslao sa laban sa Bacolod City, Negros Occidental.
May rekord ang 25-anyos na si Ruba na 18-6-1 na nangakong patutulugin si Montano para pumasok sa world rankings.
-Gilbert Espeña