Laro sa Martes

(Ynares Sports Arena, Pasig)

Game 4 of Best-of-5 Finals

(Blue Eagles lead series, 2-1)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4:00 n.h. -- CEU vs Cignal-Ateneo

MULING nanaig ang bilis at tikas ng Cignal-Ateneo, tampok ang impresibong opensa sa second tungo sa 67-52 panalo laban sa Centro Escolar University nitong Huwebes sa Game 3 ng 2019 PBA D-League best-of-five Finals sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

NANGIBABAW sa rebound si CEU center Senegalese Maodo Malick Diouf, ngunit hindi sapat ang kanyang tikas para mapigilan ang Ateneo na makuha ang panalo sa Game 3 ng kanilang championship duel sa PBA D-League.

NANGIBABAW sa rebound si CEU center Senegalese Maodo Malick Diouf, ngunit hindi sapat ang kanyang tikas para mapigilan ang Ateneo na makuha ang panalo sa Game 3 ng kanilang championship duel sa PBA D-League.

Hataw si Ange Kouame sa Blue Eagles sa naiskor na 10 puntos, siyam na blocks at pitong rebounds para makalapit sa inaasam na titulo sa developmental league.

Kumubra naman si Thirdy Ravena sa naiskor na 12 puntos at walong rebounds, habang kumana sina Mike Nieto at Adrian Wong ng tig-siyam na puntos para sa Ateneo.

“We went a little bit away from our defensive system last game and we wanted to get that in today’s game,” pahayag ni coach Sandy Arespacochaga.

Target ng Cignal-Ateneo na tapusin ang serye laban sa kulang sa players na Scorpions sa Game 4 sa Martes sa parehong venue.

Nauna rito, hinirang na Conference MVP si Ateneo forward Isaac Go, tangan ang averaged 9.9 puntos, 4.9 rebounds at 1.3 assists.

Nanguna sa CEU si Senegalese big man Maodo Malick Diouf sa natipang 19 puntos at 20 rebounds.

Marivic Awitan

Iskor:

CIGNAL-ATENEO (67) -- Ravena 12, Kouame 10, Mi. Nieto 9, Ma. Nieto 8, Andrade 5, Go 5, Daves 5, Navarro 4, Belangel 0, Tio 0, Credo 0, Mamuyac 0.

CEU (52) -- Diouf 19, Bernabe 9, Guinitaran 8, Sunga 7, Santos 5, Diaz 4, Abastillas 0.

Quarters: 17-13, 32-27, 49-37, 67-52.