Patay ang lalaki nang maipit ang kalahati ng kanyang katawan sa loob ng industrial meat grinder sa Iloilo, iniulat ngayong Sabado.

NAAKSIDENTE SA TRABAHO Sa litratong ipinagkaloob ni Ian Paul Cordero ng Panay News, makikita ang kalahating bangkay ni Jomar Julbo, 18, na naipit sa meat grinder sa isang chorizo factory sa Mansaya-Lapuz sa La Paz, Iloilo.

NAAKSIDENTE SA TRABAHO Sa litratong ipinagkaloob ni Ian Paul Cordero ng Panay News, makikita ang kalahating bangkay ni Jomar Julbo, 18, na naipit sa meat grinder sa isang chorizo factory sa Mansaya-Lapuz sa La Paz, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Jomar Junco, 18, mula sa Laua-an, Antique, na baguhang empleyado sa isang chorizo factory sa Mansaya-Lapuz sa La Paz.

Nagulantang ang mga residente sa lugar nang makita ang larawan ng ibabang bahagi ng bangkay ni Junco. Ilang ulat ang lumabas na kalahati ng kanyang bangkay ay kinain ng industrial meat grinder, na ikinumpara sa isang horror movie.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Gayunman, hindi tama ang naturang detalye. Tinanggal ng mga tauhan ng punerarya ang bangkay mula sa industrial meat processor, ito ay buo.

Sinabi ni Police Maj. Mark Evan Salvo, hepe ng La Paz police station, sa BALITA na unang naipit ang kanang kamay ni Junco sa loob ng machine at hindi nailabas at kalaunan ay nahila ng mixer.

"He was not grinded. He was just stuck," sinabi ni Salvo sa BALITA, ipinagdiinan ang paglilinaw sa iniisip ng publiko.

Tara Yap