NAG-POST din ng pakikiramay sa pagpanaw ni Eddie Garcia ang longest-running noontime show na Eat Bulaga, gamit ang photo ng 90-anyos na actor-director nang mag-guest ito sa programa years ago.

“Nais naming kunin ang pagkakataong ito para ipahayag ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng isa sa mga haligi ng industriya na minsan din naming nakasamang maghatid ng saya sa mga Dabarkads.

“Mula sa lahat ng bumubuo ng Eat Bulaga, our condolences. Paalam, Mr. Eddie Garcia.”

Nasa YouTube ang episode ng “Kalye Serye” ng Eat Bulaga na ipinalabas noong November 14, 2015. Ito iyong episode na birthday supposed-to-be ni Lola Nidora (played by Wally Bayola) at guests niya sa celebration ang magkapatid na sina Ai Ai delas Alas, as Donya Barbara Leticia Rockyfeller; at Eddie Garcia as Don Eduardo Rockyfeller, na lola at lolo ni Alden Richards, as Alden. Siyempre, naroon ang apo ni Lola Nidora na si Maine Mendoza.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Noong time na iyon ay uso ang pabebe wave ng AlDub love team nina Alden at Maine, kaya si Lolo Eduardo, naki-pabebe wave rin sa magkatambal.

Masaya ang said episode na kinunan sa Valencia Events Place ni Mother Lily Monteverde sa Valencia Street sa Quezon City. Bale iyon ang first at last time na nag-guest si Manoy Eddie sa Eat Bulaga.

Matatandaang mag-aalas singko ng hapon nitong Huwebes nang pumanaw si Manoy Eddie, batay sa inilabas na medical bulletin ng Makati Medical Center, kung saan siya nanatili habang comatose sa nakalipas na 12 araw.

Makaraang kumpirmahin sa media ang malungkot na balita, kaagad na naglabas ng statement ang GMA Network para magpahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ng beteranong aktor.

Saad sa statement ng GMA nitong Huwebes ng gabi: “GMA Network deeply mourns the passing of veteran actor Eduardo ‘Eddie’ Verchez Garcia. ‘Manoy’, as he is fondly called, will be greatly missed by his family, loved ones, co-workers, and fans.

“An accomplished and respected actor and director, he was a movie icon and an industry pillar who has touched so many lives in the Philippine industry. He left behind a legacy of professionalism, dedication, and love for his craft.

“The Kapuso Network joins his family and the whole entertainment industy in mourning his passing.”

Samantala, ang late news report last Thursday evening, mula sa stepson ni Manoy Eddie na si Rep. Mike Romero, sinabi ng huli na that time ay kine-cremate na ang labi ng legendary actor. Ang public viewing ay magsisimula ng 9:00 ng umaga nitong Friday, at tatagal hanggang sa Sunday, June 23.

Ayaw daw ni Manoy ng matagal na wake dahil kaawa-awa naman ang maghihirap na dumalaw pa sa kanya, kaya posible na magkaroon ng changes sa nasabing announcement ng pamilya ni Manoy Eddie.

-NORA V. CALDERON