Isa sa mga masyadong apektado sa nangyari at pagpanaw ni Eddie Garcia ay si Sharon Cuneta, at may pasaring ang kanyang galit na “grieving” post para sa premyadong actor-director.

EDDIE PA

Sa Instagram, naglabas ng saloobin si Sharon, na kalaunan ay dinelete niya ang kanyang original post.

Sa edited version ng post, nakasulat ang “For ‘World Peace’, I edited this. I am grieving. Let me be).”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Disable ang comment box sa nasabing post para siguro maiwasan ang mga unnecessary comments.

“HE SHOULD NOT HAVE DIED YET HAD THERE BEEN NO NEGLECT OF SAFETY FOR THE ACTORS. HE WOULD HAVE LIVED TO MORE THAN 100...!

“I have had not only a professional relationship but a personal one with him as well. I grew up under his tutelage and he means so much to me.

“Sorry if I’m venting but this was totally unavoidable. Especially for an actor who was 90 years old. It is a matter of a few people who failed to be 100% careful and were negligent.

“I do not mean to say a whole organization or station should be blamed—this is an issue I do not wish to be involved with but for his family and co-workers on that day to debate on an argue . But I AM ANGRY BECAUSE THIS COULD HAVE TOTALLY BEEN AVOIDED.”

May nag-comment sa post ni Sharon at ang sabi, “It’s not for you to tell how long he’s gonna live po. May mga tao na grabe, aksidenteng nangyayari, yet they still survived. It’s up to God I guess becoz if it’s not yet his time God will definitely let him live.

“He is now resting, so sana po lets just pray for his soul. It’s better po if you said let this be a lesson na mas paigtingin ang safety and precautions to avoid such accidents. Just saying. Medyo harsh po kasi ‘yung statement n’yo.”

Sinagot ni Sharon ang nasabing comment ng netizen: “Thank you. I shared more than a decade working with him and developing a father-daughter, mentor-mentee relationship with him. My heart is broken. And yes I am angry because even if it had happened on another set for another station or a movie production, the actor’s safety is of utmost importance.

“We always have medics on our sets. This totally could’ve been avoided. Yes God took him. But sometimes we wonder why a baby is molested and murdered and do we blame God for that? That’s a totally different issue but am just saying... I am hurt and I love him. So sorry, not so sorry.”

JUDAY, NANGHIHINAYANG

Bukod kay Sharon, nagpahayag din sa social media si Judy Ann Santos ng kanyang kalungkutan sa nangyari kay Manoy Eddie.

“Nakakalungkot... nakakahinayang na hindi ko nagawang makatrabaho ang isang napaka-professional at batikang artista, pero nagagawa kong makamayan at makausap nang maraming beses.

“Maraming salamat, Tito Eddie. Mananatili kang nag-iisa sa industriyang ito. Sana sa nangyaring to, maging bukas ang isip ng mga networks sa tamang pag-aalaga, pagbigay ng sapat na kaalaman sa lahat ng taga-production, artista man o hindi, pagdating sa mga ganitong sitwasyon, maaaring naiwasan sana.

“Paalam, Eddie Garcia. Hanggang sa huli ibinukas mo ang mata ng industriya... kung paanong dapat pahalagahan at ‘wag balewalain ang kaligtasan ng bawat taong nagtarabaho sa produksyon. Mapayapang paglalakbay, Sir Eddie...”

May nag-comment na aksidente ang nangyari at walang dapat sisihin, at sinabing sapat nang ipagdasal si Manoy.

Sagot ni Judy Ann, “Again, wala po akong sinisisi. I’m just saying and hope maging daan ito para sa lahat na maging handa sa mga ganitong klaseng insidente.

“Wala namang may gusto sa nangyari, I’m sure.”

May nagtanong kay Juday, “Masasabi mo po ba ‘yan kung sa mother network mo ‘yun nangyari?”

Maikling “yes” ang sagot ni Judy Ann.

-Nitz Miralles