TIYAK na liyamado sa papel at sa tayaan ang Real Gold sa paghataw ng second leg ng Philippine Racing Commission 2019 Triple Crown series sa Linggo (Hunyo 23) sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

SANCHEZ

SANCHEZ

Umaapaw ang kumpiyansa ng ‘bayang karerista’ sa Real Gold matapos ang pagwawagi sa unang leg ng prestihiyosong torneo na nagtatampok sa pinakamahuhusay na three-year-olds breed.

Tinalo ng Real Gold sa unang hiritan ang mga naunang paborito,kabilang ang Obra Maestra nitong Mayo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Lubos ang kahandaan ng Real Gold na pagmamay-ari ng C&H Enterprise, laban sa hamon nang mga karibal sa line-up tulad ng Best Regards (jockey CP Henson, owner Peter Aguila), Boss Emong (Dan Camanero, Edward Vincent Diokno), Jayz (JA Guce, SC Stockfarm), Phenomenal (JB Guce, Enrique Javier), Shanghai Noon (OP Cortez, Emmanuel Santos) at Toy For The Big Boy (JB Cordova, Alfredo Santos).

Nakataya ang champion purse na P1.8 milyon sa kabuuang P3 millyon na premyo sa Philracom race na may distansiyang 1,800 meters. Naghihintay ang P675,000 sa second placer at P375,000 at P150,000, runner-ups, ayon sa pagkakasunod. May P100,000 premyo naman para sa breeder ng mananalong kabayo.

“Real Gold set the bar high in the first leg,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew Sanchez.

“Its performance will keep the rest on their toes.”

The last horse to win all three legs of the Triple Crown was Sepfourteen of SC Stockfarm in 2017. Prior to Sepfourteen’s Triple Crown achievement two years ago, the last time one horse won it all in one year was in 2014 when Emmanuel Santos’s colt Kid Molave (Into Mischief x Unsaid) scored the rare 3-peat,” aniya.

Tiyak ding kagigiliwan ang aksiyon sa second leg ng 2019 Philracom Hopeful Stakes Race, na may distansiya ring 1,800 meters, tampok ang 10 kabayo, sa pangunguna ng SC Stockfarm’s coupled entries na JLO (jockey JA Guce) at Mood Swing (MM Gonzales), para sa top prize na P600,000 mula sa kabuuang P1 milyon premyo.

Sasabak din ang Harapin ang Bukas (jockey JB Hernandez, owner Benjamin Abalos Jr.), My Jopay (Pat R Dilema, Moises Villasenor), Serafina (MB Pilapil, Peter Aguila), Skyscraper (RA Base, Leonardo M. Javier Jr.), Suburbia (OP Cortez, Joseph Dyhengco), The Accountant (CP Henson, Luis Aguila), Two Timer (JA Guce, Melaine Habla) at Viscerion (RC Baldonido, James Albert Dichaves).

Tampok naman sa 3YO Locally Bred Stakes Race ang 11 magkakatungali na Always Ready (jockey RD Raquel, owner Bingson Tecson), Brandy Drinker (JA Guce, Rancho Santa Rosa), Electrify (JL Lazaro, Joseph Dyhengco), Gepnits (CS Pare Jr., Marney Cheeno Sordan), Humidor (Dan Camanero, Leonardo Javier Jr.), Iikot Lang (EG Guerra, Cipriano Sison Jr.), Kentucky Rain (RO Niu Jr., Robert Ramirez), Mount Dulang Dulang (MA Alvarez, Wilbert Tan), My Shelltex (JB Guce, Antonio Tan Jr.), Silab (AR Villegas, Benjamin Abalos Jr.) at Weather Lang (JB Hernandez, Melaine Habla).