Sumuko sa militar ang isang opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Paquibato District, Davao City, kamakailan.

Sa panayam, kinilala ni Capt. Erick Wynmer Calulot, Civil Military Operations Officer ng 1003rd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army (PA), ang rebelde na si Epifanio Blas, 49, ng Barangay Malabog, ng nabanggit na lungsod.
Ipinahayag ni Calulot, si Blas ang umaaktong assistant secretary ng Hingpit Organisadong Masa ng NPA sa Bgy. Malabog.
Tiniyak pa nito na makatatanggap si Blas ng financial assistance at iba pang suporta ng pamahalaan alinsunod na rin sa programa ng pamahalaan.
-Fer Taboy