“Very warm and close” ang paglalarawan ni Philippine Ambassador to Thailand Mary Jo Bernardo-Aragon sa ugnayan ng Pilipinas at Thailand.

Pangulong Rodrigo Duterte

Pangulong Rodrigo Duterte

Ito, aniya, ay dahil sa lumalagong mutual trade volume ng dalawang bansa sa nakalipas na pitong dekada.

Itinampok din ni Bernardo-Aragon ang matatag na diplomatic at economic connections ng dalawang bansa bago pa dumating si Pangulong Duterte sa Bangkok para sa tatlong araw na pagbisita nito para sa 34th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“This year we are celebrating our 70th anniversary of the establishment of diplomatic relations between the Kingdom of Thailand and the Philippines, when the Treaty of Friendship was signed in Washington D.C. on 14 June 1949. Since then, we have enjoyed warm and cordial friendly relations between our two countries and our two peoples,” pahayag ni Bernardo-Aragon sa isang panayam sa Bangkok.

“Our relations have been very warm and close. Also, our trade relations, our trade has been increasing,” dagdag niya.

Noong 2018, aabot sa $10.32 billion ang total trade sa pagitan ng Pilipinas at Thailand na may trade balance na $4.89 billion pabor sa Thailand.

Kaugnay nito, kabilang din sa prayoridad na isinusulong ng pangulo sa isasagawang pagpupulong ang pagpapatibay sa proteksiyon ng karapatan at dignidad ng mga manggagawang Pinoy sa Thailand.

Habang nasa Bangkok si Pangulong Duterte, itinalaga niya si Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra bilang officer-in-charge ng bansa.

Magugunitang si Guevarra din ang itinalagang caretaker ng bansa nang huling bumiyahe si Duterte patungo sa Japan.

-Genalyn D. Kabiling at Beth Camia