TAPIK sa balikat sa kampanya ng University of the Philippines Maroons sa UAAP Season 82 ang ilalargang ‘Great UP Run’ na magkatuwang na inorganisa ng RUNRIO Inc. at nowheretogobutUP Foundation Inc. (NTGBUP) sa Agosto 11.

Inilunsad ang ‘fun-raising’ event sa ginanap na media conference nitong Martes sa Quezon Hall sa loob ng UP Campus sa Diliman, Quezon City bilang bahagi sa paghahanda ng Maroons sa pagsabak sa premyadong collegiate league sa bansa.

Tampok ang mga event na 3K, 5K, 10K at 21K sa patakbo na inorganis ani RUNRIO founder at UP alumnus coach Rio dela Cruz. Target ng organizers ang partisipasyon ng 3,000 runners at sports enthusiast sa karera.

Magkakaroon ng konsiyerto tampok ang mga homegrown UP artists sa pagtatapos ng karera na bahagi sa programa para masuportahan ang kampanya ng UP varsity team sa UAAP.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatakdang matulungan ng programa ang UP varsity teams ng Badminton, Baseball, Softball, Chess, Fencing, Football, Judo, Poomsae, Swimming, Taekwondo, Table Tennis, Lawn Tennis, Table Tennis, Men’s Volleyball, Beach Volleyball at Women’s Basketball.

Nilagdaan nina coach Rio, President and Founder ng RUNRIO Inc., NTGBUP Chairman, Atty. Agaton Uvero, NTGBUP VP for Ways and Means Cocoy Mercado, UP College of Human Kinetics Dean Francis Diaz at QCAA officials ang memorandum of agreement (MOA) hingil sa pakarera.