NAKAKAHIYA ang basher ni Derek Ramsay na si whatwomenwant000 dahil kilala siya ng aktor, kapitbahay at ka-village pa siya ni Derek.

Derek copy

Kaya nang mag-comment ang basher ng, “Laos ka na kasi Derek. Tanggapin mo nalang kasi wala ka na mapupuntahan kundi sa GMA-7. Mic drop”, ay sinagot siya ng aktor ng, “hahaha. See ya around the village dear.”

May mga nagtanggol kay Derek at nagsabing okay lang na malaos ang aktor dahil mayaman siya, pero hindi pa rin ito pinalusot ng kapitbahay niyang basher.

Tsika at Intriga

Willie Revillame, kinuhang fitness coach ang sports therapist ni Carlos Yulo

“Sobrang mahal na nga niya ‘yung sarili niya eh, kawa lang maibibigay sa iba. People, don’t get deceived by his looks and pa good person effect. His neighbors can even hear him shout cursing people in his house,” post ng basher.

Sumagot naman si Derek ng, “Really? Cursing people in my house? You have to be very careful of what you are saying. I think I have an idea of who you are! Look, you can say whatever you want but posting my address is just wrong. I dare you talk to my helpers here at home and ask them how I am. You are rude and a coward.”

Tinapos ni Derek ang isyu sa post na, “Please drop by and say hello neighbor.”

Hindi na ulit sumagot ang basher na hindi na kita ang mukha sa DP, naka-private pa ang account, pero alam ni Derek na kapitbahay at ka-village niya si basher. Lagot!

S a m a n t a l a , inaabangan na ng fans ni Derek ang airing ng The Better Woman nila ni Andrea Torres na sa July na raw ang airing. Controversial ang teleserye dahil hindi pa man airing ay nasabay sa break-up nina Derek at Joanne Villablanca. Ang resulta, may mga nag-akalang naghiwalay ang dating couple dahil kay Andrea.

Nilinaw na ni Derek na walang kinalaman si Andrea sa paghihiwalay nila ni Joanne, pero ayaw pa ring papigil ng basher kaya maghanda si Andrea dahil susugurin siya ng bashers.

-Nitz Miralles