NAGLULUKSA ang buong showbiz industry sa pagpanaw ng beteranong aactor-director na si Eddie Garcia, nitong Huwebes ng hapon, sa edad na 90.

Nakalagak ngayon sa Heritage Park ang ashes ni Manoy Eddie, gaya ng kanyang bilin noong siya’y nabubuhay pa, na i-cremate agad ang kanyang labi kapag siya’y namatay.

Nasunod nga ang kanyang hiling, at sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng stepson ni Manoy Eddie na si Congressman Michael Romero na naibigay na sa pamilyang naulila ni Manoy ang abo nito, bandang 3:20 ng umaga kahapon.

Si Michael ay anak ng longtime partner ni Eddie na si Lilibeth Romero.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ayon sa kongresista, nagsimula ang cremation sa labi ni Eddie bandang 1:00 ng umaga kahapon, June 21.

Sinaksihan ito ng immediate family at ilang malalapit na kaibigan ng premyadong aktor.

Saad sa Facebook post ni Congressman Michael: “At 3:20am, Tito Eddie’s ashes was given to us. (Me, his surviving son Erwin, our mother Lilibeth, Brother Nikki and Pareng Ipe [Phillip Salvador]).

“At 1am, in front of around 40 immediate family and friends of the Garcia, Lagman and Romero gathered around Tito Eddie’s mortal body, his cremation process started.

“Thank you also to tito Ed’s closest friends, Tita Bibeth Orteza, Tirso Cruz III, Ipe Salvador, his Exec Assistant Joe and others who gave their eulogy to the unparalleled 17 times FAMAS awardee (6x Best Supporting actor and Hall of Famer, 5x Best Actor and Hall of Famer and 5x Best Director and Hall of Famer), the legend that might not be equalled again, MR. Eduardo V. Garcia.

“As he entered the cremation room, we all gave Tito Ed a standing ovation he deserved and started shouting ‘BRAVO’ for the last time. We love you!!!”

Sa ilang piling interviews ni Manoy Eddie noong nabubuhay pa siya, nabanggit niya ang kagustuhang ma-cremate kaagad kapag siya ay pumanaw na.

“’Pagka namatay ako, gusto ko tahimik lang. From death bed, diretso sa crematory, ‘tapos isasaboy na ‘yung abo ko sa dagat,” sinabi ni Manoy Eddie sa panayam ng entertainment media sa gala premiere ng pelikula niyang Bwakaw taong 2012.

“Ayoko ‘yung nakahiga ako, ‘tapos tinitingnan ka nila. Ayoko ng ganun, na parang exhibit. Kaya from death bed, crematory na, piprituhin ka kaagad!”

Sa panayam naman sa kanya ni Ces Drilon sa Pipol ng ANC noong 2013, sinabi ni Mayor Eddie na binayaran na niya ang kanyang cremation.

“I already paid for my cremation. Binayaran ko na,” aniya. “My helicopter pilot-friend will pick up the ashes from the crematory and spread sa Manila Bay.”

Bakit gusto niya nang ganoon?

“Para ‘pag namasyal ka sa Roxas Boulevard, [sasabihin mo] ‘Baka multuhin tayo ni Eddie rito!’,” sagot ni Manoy Eddie, na sinundan ng halakhak.

“And I want to spread on a beautiful sunset,” aniya pa.

-ADOR V. SALUTA