NAKITAAN ng magandang performance si John Marx Anastacio para masikwat ang gold medal sa Under 30 via thrilling fashion sa pagtatapos ng rapid competition ng 20th Asean + Age Group Chess Championships 2019 na ginanap sa Golden Mandalay Hotel and Hotel Hazel sa Mandalay City, Myanmar nitong Lunes.
Si Anastacio na first year College BS Accountancy student ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) sa Las Pinas City ay dinaig ang dating nangungunang at kababayang si Jhoemar Mendiogarin sa seventh at final round.
Si Anastacio na isa sa top players ng Altas Chess Team sa gabay nina national coach International Master Roel Abelgas at coach Kenneth Martin Rovillos ay kasalo si Mendiogarin na may tig 6.0 points subalit mas mataas ang tie break para makopo ang Open Under-30 division crown.
Subalit sina Anastacio at Mendiogarin ay kapwa naiuwi ang individual gold medal ayon kay International Arbiter Wilfredo Neri.
Sina Anastacio, Mendiogarin at Woman Fide Master Michelle Yaon nagtala ng combined total 15.5 points para masubi ang gold sa team competition.
“First I would like to thank God for giving me talent. Second, I would also my parents, UPHSD Family, Altas Chess Team, especially President Anthony Tamayo and Chaiman Tony Tamayo for their support, national coach International Master Roel Abelgas, Coach Kenneth Martin Rovillos, who helped me refine my moves,”ayon kay Anastacio. “Without them this victory would not be possible.”
Nagpakitang gilas din si International Master elect Eric Labog Jr. na Grade 10 pupil ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) sa Las Pinas City na nakipag draw kay Dang Anh Quoc ng Vietnam para makapuwersa sya ng three-way tie sa first place kasama sina compariots Christian Mark Daluz at Fide Master Stephen Rome Pangilinan.
Tabla din si Daluz sa kababayang si Alfonzo Louis Olendo at nakihati din ng puntos si Pangilinan kay Bui Duc Huy ng Vietnam.
Ang triumvirate ay kapwa nagwagi ng individual gold na may tig 5.5 points sa seven outings sa Open Under-18 division.
Sina Daluz, Pangilinan at Labog may combined total 16.5 points tungo sa gold medal sa team competition.
Hindi din nagpahuli sina Grandmaster Jayson Gonzales at National Master Edmundo Gatus, na nagwagi ng individual gold sa Seniors 50 years old and above.
Sina Gonzales, Gatus kasama si National Master Alex Milagrosa ay nagbulsa din ng team silver na may 15.5 points.
Bida din si National Master Cesar Caturla matapos iwasiwas si Tin Mg Aye ng Myanmar sa final canto tungo sa gold medal sa 65 years old and above.