BOSTON (AP) — Kabilang si Al Horford sa malaking isda sa merkado sa pagbubukas ng free agency.
Ipinahayag ng source na may direktang kinalaman sa isyu sa Associated Press na tinanggihan ni Boston Celtics center Al Horford ang ‘player option’ para sa susunod na season para maging unrestricted free agent.
Bunsod nito, makakasama ng five-time All-Star sa free agency market ang teammate na si Kyrie Irving, na naunang nagpahayag ng pagtanggi sa kanyang option para manatili sa Boston.Lumagda si Horford ng four-year, $113 million deal sa Boston noong 2016.
Isa sa liyamadong koponan sa Eastern Conference ang Boston na tumapos na may 49-33 marka sa regular season, Ngunit, nasibak sikla ng Milwaukee Bucks, 4-1, sa conference semifinals.
Tangan ni Horford ang averaged 13.9 puntos at siyam na rebounds sa postseason