TAMPOK ang beach handball at wrestling – dalawang sports na inaasahang magbibigay dangal sa kampanya ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games – sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) bukas sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

TOPS LOGO

Pangungunahan nina Philippine Handball Federation secretary-general Dr. Ernesto Jay Adalem at Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar ang mga panauhin sa linguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), NPC, Community Basketball Association (CBA) at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde.

Kasama rin para magbigay ng kanilang saloobin hingil sa kanilang programa ang organizers ng Omni Football Cup: Fight to the Finish na sina Henry Yang, Albert Alde, Kevin James Olayvar at marketing head Miko Diga, habang pangungunahan ni coach Jerson Cabiltes at team manager Jackson Chua ang Basilan Steel na sasabak sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng opisyal, miyembro at iba pang stakeholders na makiisa sa programa na mapapanood din ng live sa Facebook via Glitter Livestream.