NITONG Father’s Day, nag-post ang aktres na si Aiko Melendez sa kanyang Facebook page ng napakahabang kuwento tungkol sa buhay niya, na may titulong “Aikonfess”.

Aiko

Ikinuwento niya na biktima siya ng bullying, at ang mga pinagdaanan niyang hirap bago siya napasok sa showbiz. Nanggaling kasi sila ng kanyang ina (Mrs. Elsie Castañeda) sa Japan at walang matuluyan sa Pilipinas, kaya nagtiyaga silang matulog sa ilalim ng hagdanan.

“Nu’ng bata pa ako, lagi ako binu-bully, GI baby ang tawag sa akin ng mga schoolmates at classmates ko. Kasi nga naman ‘yung itsura ko, bukod sa full bangs, hindi ako marunong mag-Filipino o Tagalog. English at Japanese lang ang alam ko.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Kasi nu’ng dumating kami ng Pilipinas biglaan. Nakitira kami kung saan- saan ng mom ko. Andyan natutulog kami sa ilalim ng hagdan ng bahay ng ninang ko, kasi puno na bahay nila. Hanggang isang araw nagkasakit ako sa balat dahil sa aso ng ninang ko, kinalbo ako.”

Chinat namin si Aiko at sinabi naming nakakaiyak habang binabasa namin ang kuwento niya, at the same time ay nakaka-inspire dahil hindi siya sumuko at ngayon ay maganda na ang buhay niya.

“Haba pa dapat niyan, kaso hindi na kasya, eh. Gusto ko nga mag-write ng book ng buhay ko, kaso wala namang time ‘Teh Reg,” sabi sa amin ng aktres.

Sinabihan namin siya na kung gusto niya talaga ay mapaglalaanan niya ito ng oras.

Pagpapatuloy ng post ni Aiko, “Kaya siguro pinagtibay na ako ng panahon. Ang dami–daming hindi alam ng tao sa akin. Lalo na nu’ng pagdating namin ng Pilipinas, wala kaming kakilala, parang pelikula ang buhay ko. Wala kaming makain. Hays, grabe!”

Hanggang sa pasukin na ni Aiko ang showbiz, sa tulong nina Mr. Ronald Constantino at naging manager niyang si Douglas Quijano.

“One day sabi ko di na ako papaapi, tutulungan ko mom ko para ‘di na kami mahirapan. Nag-artista ako, nakita ako nu’n ni Tito Ronald Constantino ta’s pinakilala ako ke Tito Douglas Quijano.

“Hindi ko magamit ‘yung surname ng Papa Jimi Melendez ko, kasi n’ung panahon na ‘yun ‘di puwede aminin na me anak siya, kaya I was launched as Aiko Paredes, kasi kamag anak ng mom ko ang mga Paredes.

BULLY, GINANTIHAN NG KABUTIHAN

“But sadly things weren’t that easy. Nakuha ako sa part ng Annalisa nu’n as Monet. At hanggang sa set me isang bata du’n na maimpluwensiya, tinulak ang ulo ko sa window. Pumutok, ang dami dugo. Dinala ako sa hospital ng mom ko.

“Tinahi, alala ko pa ‘yun hanggat sabi ko sa mom ko, ‘Mama next time ‘yang nangtulak sa akin balang araw hihingi ‘yan ng help sa atin at i-help ko siya para makonsensiya.

“True enough, nu’ng naging councilor ako, nagpunta ‘yung tao na kuwento ko sa opisina ko, nanghihingi ng tulong. Walang kagatul-gatol I helped her.

PASASALAMAT SA 2 AMA

“From then on naging matapang at masipag [ako]. Sobra ang drive ko nu’n sa buhay na maiangat ang buhay ng mom ko. Sabi ni Mama Elsie Castañeda ko, ‘mag-aartista ka anak, pero mag-aaral ka pa din’.

“Nakilala ng mom ko stepfather ko, si Daddy Dan Castañeda. He became my father. Parang mas pa nga sa totoo na anak ang turing sa akin. Kaya nagpapasalamat ako, kasi kung hindi dahil sa kanya siguro hirap kami ng mom ko itawid ang pag-aaral ko sa St Mary’s College.

“Hanggang sa isang araw pinatawag ako ni Mother Lily (Monteverde), i-launch daw ako, bida agad. Sadly, ‘di kumita movie ko nu’n. Akala ko end of the world na, kasi paano again ‘yung dream ko na makabili ng sariling bahay at kotse at mapag-aral ko mga kapatid ko.

“Mother Lily gave me another chance. She launched me again via My Pretty Baby. Boom! That was start of my showbiz career, gamit-gamit ko na ang surname ng father ko, Melendez.

“Kaya nagpapasalamat ako, kasi kung ‘di dahil sa Papa Jimi ko ‘di naman talaga ako makikilala. ‘Di ko nga akalain ma-surpass ko kasikatan ng Papa ko dati.

“My relationship with my Papa wasn’t perfect, but the Love and Respect was always there, kaya nga kahit iniwan n’ya kami, hanggang sa huli I was there to support him all the way. In all aspects. Kung me maipagmalaki ako naging mabuti akong anak at kapatid.”

SINGLE MOM, BREAD WINNER

Hanggang sa natuto na siyang magmahal at may nakarelasyong sikat na aktor, pero hindi naman sila nagkatuluyan noon, pero nanatili silang magkaibigan naman.

Hanggang sa makilala ni Aiko ang una niyang napangasawa.

“Na-in-love ako kay Jomari (Yllana) 2 years of dating. Nabuntis ako nang wala sa oras, I was 24 then. All was new to me, tapos sadly naghiwalay kami. Another failure for me, but that didn’t stop me from praying and hoping na kakayanin ko lahat-lahat.

“Awa ng Diyos si Andre Yllana, maayos na bata. May mga pagkakamali na minor, but hindi ko siya kailanman naging sakit sa ulo.

“Then came Martin (Jickain), my another shot for love, but it didn’t work out again. But I was blessed with a beautiful daughter named Marthena Jickain. Mimi, as I call her, is my mini-me. Napakatalino na bata, nakikita ko sarili ko sa kanya, fighter. ‘Yung tipo na ‘di ma-bully.

“Parehong mga anak ko naging strength ko para mas maging maayos buhay ko. Sina Andre and Marthena ang rason ba’t ako ganito kasipag magtrabaho.”

At dahil sagaran ang trabaho para buhayin ang mga anak at magulang ay inamin ni Aiko na may mga pagkukulang siya kina Andre at Marthena.

“May mga pagkakataon ang dami ko pagkukulang sa kanila pagdating sa oras, kasi single mom ako. And bread winner. Napakalaking responsibility, ‘di ba.

“When you have that kind of obligation, sometimes out of emotions nagkakaroon ka ng choices na mali sa paningin ng tao. Andyan nahuhusgahan ka. Na papalit-palit ng relasyon. ‘Di makuntento. Ang tanging masasagot ko lang is ‘wag n’yo ako i-judge. Madami nangyari sa buhay ko na hindi n’yo akalain pinagdaanan ko.

“Nandyan nasira mukha ko, natalo ako sa elections. Tapos mali na naman ako pagdating sa relasyon. Pero hindi ibig sabihin nu’n masama na akong tao.

LUMILINGON SA PINANGGALINGAN

“Kasi kung babasahin n’yo ang buhay ko, napakakulay. Kulang ang space dito sa Facebook kung paano ako nakikipaglaban pa din na mabigyan ng magandang buhay ang mga anak ko. Pamilya ko. At iisa lang ang prinsipyo ko sa buhay, na kelan man ‘di ako makakalimot lumingon kung s’an ako galing, nang walang ginamit or natapakan na tao.

“Kaya siguro si Lord Jesus ‘di napagod sa kaka-bless pa din sa akin hanggang ngayon. Sino mag-aakala na sa edad ko na 43, ang dami ko nang awards. Ang dami ko din natulungan nu’ng nasa politics ako.

“Sino din mag-aakala na hanggang ngayon nakatayo pa din ako kahit madaming problema. Kasi ‘yan ang ipinangako ko sa sarili ko. Hinding-hindi na ako uli papaapi at wala nang makaka-api sa mga mahal ko sa buhay.

“Ngayong Fathers Day, salamat sa mga ama ng anak ko. Kasi binigyan n’yo ng kulay at rason ang buhay ko. Salamat, kasi kahit anong hirap, napakasarap gumising sa umaga na may 2 anak ako na mabubuti, walang sakit at higit sa lahat napatunayan ko na maganda talaga lahi ko. Ahahahah!”

DI BINIBITIWANBinanggit din niya ang tungkol sa kasalukuyang relasyon niya kay ZambalesVice Governor-elect Jay Khonghun.

“At ngayon, nasa isa akong relasyon na hindi rin madali. May pinagdadaanan, pero pinipilit namin lagpasan. Happy Father’s Day, Jay Khonghun. Kasi kahit anong away natin, ayaw mo bumitaw sa akin. Siguro nakita mo din kahit paano ‘yung puso ko na kahit ano mang away natin nakita mo kung paano ako magmahal.

“So simple lang gusto ko, i-share ang buhay ko na akala ng tao napakadali. Kaya napakadali din sa kanila na husgahan ako. Nandyan ‘di na ako makakahanap ng lalaki na mamahalin ako, di ‘yan magtatagal. Isa lang ang masasabi ko bago kayo manghusga alamin n’yo muna kung kaya n’yo ba lagpasan ang mga pinagdaanan ko.

“Wala pa ‘yang kuwento ko sa kalingkingan ng pinagdaanan ko. Kapag nalagpasan n’yo ang pagsubok sa mga buhay n’yo, tsaka n’yo ako husgahan.

FATHER’S DAY, PARA RIN KAY AIKO

“Happy Fathers Day sa lahat ng mga tatay! Lalo na sa 2 tatay ko, Papa Jimi, who is now in heaven, at Daddy Dan Castañeda, at sa kapatid kong si Angelo Castañeda, na minsan mas OA pa sa tatay ko sa pagmamahal sa akin sa mga anak ko, Andre and Marthena.

“Masuwerte rin kayo, ako ang naging nanay n’yo, kasi kahit me mga imperfections si Mama, hindi naman matatawaran ang pagmamahal ko sa inyo.

“Hindi ko man madalas masabi sa inyo, pero kayo ang buhay ko. Kung dumating man ang araw na me kanya-kanya na kayong buhay, lagi n’yo tatandaan na wala magmamahal sa inyo higit sa pagmamahal ko sa inyo. Love, Mama Aiko.”

Samantala, halos lahat ng nakabasa ng mahabang kuwentong ito ni Aiko ay iisa ang pagbati sa kanya: “Happy Father’s Day”. Napalaki niya kasi nang maayos ang dalawa niyang anak.

Bukod dito ay nagsilbing inspirasyon sa lahat ang mga hindi birong pinagdaanan niya.

-Reggee Bonoan