NAKOPO ni reigning Asian youth singles champion Merwin Tan ang unang international title sa men’s open masters competition matapso pagbidahan ang PBF Philippine International Open Tenpin Bowling Championships nitong Linggo sa Coronado Lanes sa Starmall, Mandaluyong City.

PH PRIDE! Merwin Tan (kaliwa) at Chua.

PH PRIDE! Merwin Tan (kaliwa) at Chua.

Naunsiyami ngbahagya nang mabigo sa kanyang kampanya sa youth boys final, bumawi ang 19-anyos sa pinakamalaking stage ng kanyang career nang gapiin ang karibal na si Indonesian hotshot Billy Muhammad Islam, 237-193, sa one-game championship clash.

Matapos maghabol sa unang bahagi ng duwelo, hataw si Tan sa mga sumunod na frame, tampok ang magkakasunod na strikes para maagaw ang panalo at maiuwi ang korona at cash prize na P700,000 sa torneo na itinataguyod ng Pagcor, Cafe Puro, Prima Pasta, MVP Sports Foundation, Boysen Paints, Linden Suites at Philippine Sports Commission.

Biathlon Olympian, binuking panloloko niya sa jowa niya sa post-game interview

“It was a bad start, but I was able to turn things around with better shotmaking in the succeeding frames,” pahayag ni Tan, kabilang sa koponan na isasabak sa SEA Games sa Nobyembre.

Inorganisa ng Philippine Bowling Federation, tampok sa torneo – pampaganang event bago ang SEA Games -- ang 87 lalaki at 32 babae keglers mula sa 12 bansa.

Bago ang step-ladder finals, nakuha ni Tan ang top seeding sa naiskor na 1887 pinfalls sa second-round finals. Nakabuntot si Islam na may 1815 bago ginapi ang kababayan at No.3 seed Ryan Lalisang, 267-243, para makuha ang pagkakataon na lumaban kay Tanb sa finals.

“So far this is the biggest tournament that I’ve won in my career,” sambit ni Tan, runnerup kay Filipino- Australian Jordan Dinham sa youth boys championship.

Nabigo naman si 2018 World Cup singles champion Sam Cooley ng Australia na maidepensa ang korona nang gapiin ni Lalisan sa three-man stepladder .

Sa ladies open masters, nakamit ni Amabel Chua ng Singapore ang kampeonato kontra PH member Lara Posadas-Wong , 212-190. Naiuwi ni Chua ang premyong P300,000.

Samantala, nawagi si Abner Loo ng Malaysia sa men’s graded masters sa naiskor na 12-game series 2578 pinfalls kontra sa kababayan niyang si Abdul Khadir Haziq (2446) at Ahmad Azraie (2312). Nanguna naman si Kaygien Itaralde ng PBAP sa ladies graded masters sa iskor na 1864 kontra Malaysian Linda Grzybowska (1809).

-Brian Yalung