NATAPOS na din sa wakas ang matagal na pagkauhaw sa medalya matapos makopo ni Arena Grandmaster (AGM) at Fide Master (FM) Robert Suelo Jr. sa Team Competition ang gold medal sa board one sa Tatluhan Open Chess Team Tournament nitong Linggo sa League One Southgate Mall (formerly Alphaland Southgate Mall), malapit sa MRT Magallanes Station, Edsa, Makati City.

Nakopo ng 1996 Philippine Junior Champion na si Suelo gold medal na may undefeated record 6.5 points mula six wins at draw sa seven outings.

Sa seventh at final round, giniba niya si Sherwin Tiu sa Board 1 habang nakaungos si Rene Malupa kay Rommel Lucion sa Board 2. Iniwas naman ni Don Hamilton Arias ang posibleng pagkabokya ng kanyang koponan matapos makapuwersa ng tabla kay Riomar Lago sa Board 3. Tumapos ang koponan ni Suelo na Chessmatic LLP team ng 6th overall na may 10 match points.

“Again I would like to dedicate my victory to my family, relatives and friends,” pahjayag ni Suelo na aktibong miyembro ng International Churches of Christ (ICOC) sa Singapore na sariwa pa din sa 4th overall finish sa FIDE rated Orbe Rapid Chess Cup nitong Sabado sa nasabing lugar.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagpakitang gilas ang Team United B na nirendahan nina John Perzeus Orozco, Eder De Jesus, Randy Culangan at team manager Gabriel Libre na inuwi ang titulo, top prize P35,000 at trophy sa closing rites.

Sa katunayan ang Team United B na dinomina ang Rapid Team event matapos ang superior tie break kontra sa kapwa 12 match points na Sikretong Malupit na ginabayan naman nina Mc Dominique Lagula, Jayson Danday, Joseph Lawrence Rivera at team manager Eduel Santos.