KAPIT, isang dumadagundong na aksiyon ang matutunghayan sa salpukan ng San Juan at General Trias sa winner-take-all match ng Community Basketball Association-Pilipinas Founder’s Cup simula sa Linggo Hunyo 23 sa General Trias Sports Complex in Cavite.

Karanasan laban sa kabataan ang sentro ng labanan at inaasahang ang pagdagsa ng homecrowd para saksihan ang kauna-unanang NCR championship ng lumalagong community-based basketball league.
“I think it’s really youth versus experience in this CBA championship. Although they have homecourt advantage, we are confident with our young line-up. Siguradong magandang laban ito,” pahayag ni San Juan coach Melvin Carus sa pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.
Ayon kay Carus, isa sa mga assistant ni head coach Randy Alcantara, ang presensiya ng limang players na kabilang sa San Juan team na tinanghal na kampeon sa nakalipas na MPBL, ay sapat na para makakuha ng bentahe laban sa General Trias Braves.
“General Trias is a very good team. But we tell our playera to focus on what we have to do. Stick to our game plan and play with a lot of heart,” aniya.
“Importante sa ganitong laban yun efforts and hustle ng mga players. Trust each other. Don’t worry about the crowd,” aniya.
Iginiit niyang buo ang tiwala at suporta ng temm management, sa pangunguna ni Joey Valencia.
“Iba mag-motivate sina boss Joey, coach Randy at coach Yong Garcia sa mga players namin. Syempre pasalamat din kami kay Vice Mayor Janella (Estrada),” aniya.
Kumpiyansa naman si General Trias coach John Flores, sa kabila nang alalahanin na unang pagkakataon lamang na makakaharap nila ang San Juan.
“I think we have already over-achieved by winning all our games in the elims and making it all the way to the finals,” pahayag ni Flores sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde.
“Aside from homecourt advantage, which is like a sixth man on the floor, our biggest advantage is that our players love to play together. ‘Yun camaraderie ng mga players. This team plays with a lot of pride,” aniya.
Ibinida niya na pawang homegrown ang player ng Gen. Trias.
“Although CBA rules allow up to five imports in the 15-man lineup, kami lang walang imports.”
“Sabi nga namin nun una, mukhang wala kaming tatalunin. Then kung umabot sa quarterfinals, masaya na. Hindi talaga namin inisip maka-sweep. Nangyari na lang talaga,” sambit ni Flores.
Tapik sa balikta sa kampanya ng Braves, aniya, ang suporta nina Cong. Jonjon Ferrer at Mayor Onie Ferrer.
“Pati na yung mga taga GenTri, full support ralaga sa team. Sa bawat laro naming, puno ang coliseum,” aniya.