GINIBA ni PH chess sensation Vic Glysen Derotas II si Nina Tuorila ng Thailand sa ninth at final round nitong Linggo para masikwat ang outright Woman International Master title sa 20th Asean + Age Group Chess Championships 2019 na ginanap sa Golden Mandalay Hotel and Hotel Hazel sa Mandalay City, Myanmar.

DEROTAS: Cebuana WIM title.

DEROTAS: Cebuana WIM title.

Ang Cebu City native na si Derotas, pambato nina Nazareth School of National University team manager Samson Go at head coach United States chess master Jose “Jojo” Aquino Jr., ay nakapagtala ng 7.5 points para magreyna sa Under-18 girls’ division.

Bumida rin si Eric Labog Jr. mula Solano, Nueva Vizcaya Jr. ng nagwagi kay Dang Anh Quoc ng Vietnam para maghari sa Under-18 boys’ division. Nakamit niya ang outright International Master title matapos makaipon ng 6.5 points sa kanyang effort.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Kamakailan, nakamit ni Derotas ang Philippine Junior tilt tungo sa outright Woman National Master title nitong Hunyo na ginanap sa Activity Hall, Second Floor Alphaland Makati Place sa Malugay Street, Makati City.

Si Labog, isa sa miyembro ng star-studded players ni national coach International Master Roel Abelgas ay nanguna sa University of Perpetual Help sa historic first championship sa NCAA Season 94 juniors chess tournament nitong Setyembre sa Malayan High School sa Manila.

Hindi din nagpahuli si Mark Jay Bacojo ng Dasmarinas City, Cavite na naibulsa ang outright Fide Master title matapos manguna sa under-14 categoy para ihatid ang Philippines’ sa 8 gold medal matapos naman dominahin ang kani-kanilang dibisyon nina Mecel Angela Gadut ng Candon City, Ilocos Sur, Daren dela Cruz ng Dasmarinas City, Cavite, Woman Fide Master Michelle Yaon ng Calamba City, Laguna, National Master Alexander Milagrosa ng Tagbilaran, Bohol at National Master Cesar Caturla ng Surigao del Sur sa Under-10 girls, Under-12 girls, Women Under-30, Seniors 50 at 65 years old and above, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang Filipino individual medallist sa Standard competition ay sina IM John Marvin Miciano ng Davao City (silver, U20), National Master Edmundo Gatus ng Tondo, Manila (silver, senior 50), Christian Mark Daluz ng Sorsogon (silver, U18), FM Stephen Rome Pangilinan ng Pandacan, Manila (silver, U18), Clyde Harris Saraos ng Cagayan de Oro City (silver,U16), WFM Allaney Jia Doroy ng Surigao del Sur (silver,G20) WNM Francois Marie Magpily ng Makati City (silver,G18) , Mhage Gerriahlou Sebastian ng Kalinga, Apayao (silver, G14) at Zhaoyu Capilitan ng Cagayan de Oro City (bronze,G8).