SA maraming paraan, maayos ang ating ginagawa para sa pag-unlad ng ating ekonomiya. Gayunman, sa isang banda napag-iiwanan pa rin tayo ng ating mga kapitbahay sa TimogSilangang Asya. Ito ay sa bahagi ng Foreign Diret Investments (FDI)—ang halaga na ipinamumuhunan ng mga dayuhang bansa at mga internasyunal na samahan para sa programang pagpapaunlad ng ekonomiya sa ating bansa.
Sinabi ng World Investment Report of the United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) para sa 2019, na inilabas nitong nakaraang Miyerkules, na ang FDI sa Pilipinas noong 2018 ay may kabuuang $6.45 billion. Bumababa ito mula sa $8.7 billion noong 2017.
Sa kaibahan nito, ang ating kalapit-bansa sa timog, ang Indonesia, ay nakapagtala ng $22 billion sa foreign investment noong 2018, halos tatlong beses na mas malaki kumpara sa Pilipinas. Ang Thailand ay may $10 billion.
Ang $6.45 billion na FDI ng Pilipinas noong 2018 ay kumakatawan sa apat na porsiyento lamang ng kabuuang natanggap ng mga bansa sa TimogSilangang Asia—na may $148.69 billion. Bumababa ang ating FDI ng 26% mula noong nakaraang taon, sa mga panahon tumaas naman ng 3% ang kabuuang FDI ng TimogSilangang Asya.
Tinatanggap ng lahat ng mga bansa ang mga foreign investment lalo’t dagdag itong resources na lumilikha o nagpapaunlad ng ekonomikal na aktibidad ng bansa. Maging ang Estados Unidos, ang may pinaka nangungunang ekonomiya sa mundo ngayon, ay tumanggap ng $253.2 billion sa FDI noong 2017. Ang China ang kasalukuyang karibal ng US sa pagkuha ng mga FDI mula sa mga mamumuhunan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sa Pilipinas, may ilan tayong ahensiya ng pamahalaan na nagsusulong ng FDI, sa pangunguna ang Board of Investments (BOI), ang Clark Development Corporation (CDC), ang Philippine Export Economic Zone Authority (PEZA) at ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Sa maraming bahagi ng bansa sa kasalukuyan, mayroon tayong mga PEZA zone kung saan maraming dayuhang kumpanya ang nag-o-operate, naglalaan ng trabaho sa milyong Pilipino. Mayroon ding Business Processing Offices (BPO) na pagmamay-ari ng mga dayuhang kumpanya, at pinatatakbo ng mga manggagawang Pilipino na may sapat na kaalaman sa Ingles. At siyempre, nariyan din ang milyun-milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Lahat ng ito ay bahagi ng paraan ng bansa, kasama ng limitado nitong yaman, ay kumikita ng dolyar, euro at ibang uri ng salapi, na ginagamit ng bansa sa ekonomikal nitong pag-unlad.
Mahalagang bahagi ang Foreign Direct Investments ng mga international resources. Kaya naman dapat nating matukoy kung bakit ang Pilipinas ay napag-iiwanan ng mga katabi nitong bansa sa TimogSilangang Asya sa pag-akit ng mga international development funds.
Matapos ang unang programa sa buwis—ang TRAIN Law—na ipinatupad nitong nakaraang taon, pinahahandaan na ng Department of Financer ang Package 2 ng batas na layong pababain ang corporate income tax at modernize fiscal incentives, ang Package 3 para baguhin ang property evaluation system, at ang Package 4 upang bawasan ang capital income taxation.
Sa pagpapatupad natin ng mga repormang ito upang makalikom ng pondo mula sa lokal na pagkukunan, dapat din tayong gumawa ng hakbang upang magamit ang tulong na ibinibigay ng mga Foreign Direct Investment. Sigurado tayong may mga resources tayo na maaaring makaakit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan sa bansa.