Mga Laro Ngayon

(Strike Gym, Bacoor City)

6:00 n.h. -- Bacoor Agimat vs. Caloocan-Arceegee

(Game 1 of best-of-3 17U finals)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

7:30 n.g. -- Bacoor Strike sa Serbisyo vs Caloocan-Gerry’s Grill

(Game 1 of best-of-3 Reinforced 2nd Conference finals)

GINULANTANG ng Caloocan-Gerry’s Grill ang top seed Quezon City, 99-85, para masungkit ang North Division title at makausad sa Finals ng Metro League Reinforced (2nd) Conference nitong Sabado sa Niagara Industrial Equipment Corporation Gym sa Caloocan.

Mula sa 83-81 bentahe sa kalagitnaan ng final frame, rumatsada ang tropa ni coach Rensy Bajar sa 16-5 blast upang makontrol ang momentum at pabagsakin ang liyamadong Capitals.

Makakasagupa ng Caloocan ang walang talong South Division champion Bacoor Strike sa Serbisyo sa best-of-three Finals ng ligang suportado ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143.

Nagtala ang mga PBA D-League veterans na sina Joseph Brutas ng game-high 28 puntos at Johnel Bauzon ng double-double 15 puntos at 12 rebounds upang pamunuan ang tagumpay.

Nauna rito, mainit ang naging simula ng Supremos na nagposte ng 30-18 na bentahe hanggang sa unti-unti silang nahabol at nadikitan ng Quezon City.

Gayunman, hindi naubusan ng gatong ang Supremos upang maituloy ang psgsulong niña sa Metro League Finals na itinataguyod ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles at San Miguel Corporation bilang major sponsors.

Nanguna naman sina Jefferson Comia at Mon Mabaya na tumapos na may 18 at 15 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Quezon City na kinapos sa hangad na makatuntong ng Finals ng ligang suportado rin ng SMS Global Technologies, Inc. bilang official livestream and technology partner, Spalding bilang official ball, Team Rebel Sports bilang official outfitter, PLDT bilang official internet service provider at Manila Bulletin bilang media partner.

-Marivic Awitan