Vargas, handa sa ‘kudeta’ ng POC Board

TUBIG at langis, kailanman ay hindi tugmang pagsamahin.

VARGAS: May alas laban sa POC Board

VARGAS: May alas laban sa POC Board

Sa ganitong senaryo muli ang mga opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) at inaasahang magkakalaman na ng tunay na kulay ang POC Executive Board sa pakikipagharap ni POC president Ricky Vargas sa mga hindi nasisiyahang miyembro ng Olympic body sa special council meeting ngayon sa POC office sa Pasig City.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Binawi ni Vargas ang naunang anunsiyo ng pagpupulong ng Board kahapon at matapang na ipinahayag ang pagharap sa Executive Board na nagpatawag ng pulong upang umano’y maliwanagan ang samu’t saring isyu na ibinabato kay Vargas kabilang na ang pagkakasangkot sa Phisgoc Foundation para sa 30th Southeast Asian Games.

“I’m ready to face them. Lahat ng gusto nilang itanong, sasagutin ko ‘yan,” pahayag ni Vargas, sa pamamagitan ni POC spokesman Ed Picson.

Walo sa kabuuang 13 POC Board members ang umano’y nagkakaisa para patalsikin si Vargas – isang taon bago ang Olympic calendar para sa regular election ng Olympic body.

Matatandaang nakuha ni Vargas ang posisyon ng talunin si Jose ‘Peping’ Cojuangco sa iniutos ng Pasig Regional Trial Court na election may isang taon na ang nakalilipas, matapos katigan ang reklamo ni Vargas na ilegal na pagalis sa kanya ng karapatang lumaban kay Cojuangco noong 2016 election.

Kasama niyang nahala l si Congressman Abraham ‘Bambol’ Tolentino, habang nanatilinaman ang Board members na sina first vice president Joey Romasanta, second vice president Jeff Tamayo, treasurer Julian Camacho, auditor Jonne Go, at mga miyembro na sina Clint Aranas ng archery, Cynthia Carrion ng gymnastics, Robert Mananquil ng billiards at Rep. Butch Pichay ng chess, IOC member Mikee Cojuangco- Jaworski at si Cojuangco.

Inaasahang sasagutin ni Vargas ang isyu hingil sa Phisgoc Foundation, Inc.,-- ang grupo na sinasabing nagpapatakbo sa paghahanda ng 30thSoutheast Asian Games na gaganapin sa bansa sa November 30 hanggang Disyembre 10.

Batay s a tradisyunal na pamamaraan ng SEAG hosting, itinatatag ng host country ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na binubuo ng POC president, Philippine Sports Commission (PSC) Chairman, at opisyal mula sa National government – s apagkakataong ito si Congressman-elect Peter Cayetano na noo’y Secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ngunit, sa dokumento nakalap ng POC Board, nagbuo umano si Vargas ng Phisgoc Foundation kung saan kasama niyang incorporator sina Ramon Suzara, Donald Caringal, Tom Carrasco, Ed Picson, Dexter Estacio at Monica Ann Mitra. Hindi incorporator si Cayetano, ngunit siya ang Chairman ng naturang Foundation.

Sa kasalukuyan, nakabitn sa balag ng alanganin ang kahandaan ng SEA Games hosting at kagya’t na iniluklok ni Vargas si Ramirez bilang kapalit ni Monsour del Rosario bilang Chef de Mission ng Team Philippines sa SEAG.

“We found out that the POC president entered into transactions without the knowledge of the POC board. As members of the board, we called for an executive session with the POC president to clarify his position on these issues. He should explain to us what is happening,” ayon kay Aranas.

-Edwin Rollon