Labing-isang katao ang nasawi at 122 ang nasugatan sa 6.0 magnitude na yumanig sa bahagi ng Sichuan province sa katimugang China, nitong Lunes ng hapon.

NILINDOL Sa larawang inilabas ng Xinhua News Agency, makikita ang mga medical staff na nagkukumahog na tulungan ang mga nasugatan, na dinala sa isang lokal na ospital matapos yanigin ng 6.0 magnitude ang Yibin City sa lalawigan ng Sichuan sa China, nitong Lunes ng gabi. AP

Ipinost ng Yibin city government ang tala ng mga nasawi sa social media accounts nito ngayong Martes ng umaga, habang patuloy ang rescue operation sa tinamaang lugar sa gitna ng mga pag-ulan.

Ayon sa Xinhua news agency, gumuho ang isang hotel sa Changning habang maraming kalsada ang napinsala.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa ulat ng China Earthquake Networks Center, natukoy ang sentro ng lindol 16 na kilometro below surface, mababaw na higit umanong nagdudulot ng mas maraming pinsala sa mga gusali at imprastruktura.

Matatandaang Mayo 2008 nang tumama rin sa bulubunduking probinsiya ng Sichuan ang malakas na lindol, na pumatay sa halos 70,000 katao.

Associated Press