MAKARAANG magwagi sa kanyang huling laban sa Tokyo, muling kakasa si three-time world tile challenger Roli Gasca laban sa Hapones na si Takuya Mizuno sa Hulyo 20 sa Aioi Hall, Kariya, Aichi, Japan.
Kilalang knockout artist si Mizuno na may kartadang 16 panalo, 1 talo na may 14 pagwawagi sa knockouts kaya nangako siyang patutulugin si Gasca.
Ngunit, hindi matatakot si Gasca lalo’t nanalo siya sa 8-round decision sa kanyang huling laban kay Shuma Suwagara noong nakaraang Abril 14 sa Messe Mie, Tsu, Japan.
Sa kanyang world title bouts, natalo si Gasca ni Russian Alexander Bakhtin sa puntos sa sagupaan sa Moscow noong 2012 bago muling natalo kay South African Thabo Sonjica sa 12-round unanimous decision noong 2014 sa Kempton Park, Gauteng sa sagupaan para sa bakanteng IBO super bantamweight title.
Muling dumayo sa South Africa si Gasca ngunit natalo via kontrobersiyal na 12-round split decision kay Lusanda Komanisi sa kanilang sagupaan para sa bakanteng IBO featherweight title sa East London kaya beterano na ng matitinding laban ang Pinoy boxer.
May rekord si Gasca na 25-8-1 na may 8 pagwawagi sa knockouts at gusting mapatulog si Mizuno para makabalik sa world rankings.
-Gilbert Espeña