Final Standings: (Top 10)

Champion: FM Nelson Villanueva (7 points)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

2nd place: IM Barlo Nadera (6 points)

3rd place: FM Randy Segarra (6 points)

4th place: AGM Roberto Suelo Jr. (6 points)

5th place: Jerome Villanueva (6 points)

6th place: FM Mari Joseph Turqueza (6 points)

7th place: IM Chris Ramayrat (6 points)

8th place: NM Giovanni Mejia (6 points)

9th place: NM Emmanuel Emperado (6 points)

10th place: Rolly Parondo Jr. (5.5 points)

PINAGHARIAN ni Fide Master Nelson Villanueva ang katatapos na FIDE rated Orbe Rapid Chess Cup nitong Sabado sa League One Southgate Mall (dating Alphaland Southgate Mall), malapit sa MRT Magallanes Station, Edsa, Makati City.

TANGAN ni Fide Master Nelson Villanueva ang tropeo matapos pagharian ang Fide-rated Orbe Cup.

TANGAN ni Fide Master Nelson Villanueva ang tropeo matapos pagharian ang Fide-rated Orbe Cup.

Ang La Carlota City, Negros Occidental-native Nelson ay nakakolekta ng perfect seven points para magkampeon sa seven-round tournament. Tinangap niya ang top prize P10,000 at trophy sa closing rites kay National Chess Federation of the Philippines director lawyer Cliburn Anthony Orbe na nagsilbing punong abala sa one-day chessfest tampok ang 190 players.

Ginina ni Nelson, dating top players ng Barangay Malamig, Rizal Techological University Mandaluyong City chess team, si Jerome Villanueva matapos ang 32 moves ng Double Fianchetto defense tangan ang black piece.

"I just want to thank God for everything… this is my first time to win again tough tournament in the Philippines,” pahayag ni Nelson, galing sa panalo sa Penang International Open sa Penang, Malaysia.

Sa isang banda, winasiwas ni International Master Barlo Nadera si Kevin Mirano tungo sa total 6.0 points. Sa katunayan si Nadera ay nakisalo sa eight-way tie sa second place kasama sina Fide Master Randy Segarra, Arena Grandmaster Robert Suelo Jr., Jerome Villanueva, Fide Master Mari Joseph Turqueza, International Master Chris Ramayrat, National Master Giovanni Mejia at National Master Emmanuel Emperado .

Subalit, nakamit ni Nadera ng Philippine Airforce chess team ang second place honor matapos manaig sa tiebreak points kay Segarra na nagtapos ng third place, si Suelo ay nasa fourth, si Jerome nasa fifth, si Turqueza nasa sixth, si Ramayrat nasa seventh, si Mejia nasa eight at si Emperado nasa ninth place.

Namayagpag din si Rolly Parondo Jr., isa pang ex-Barangay Malamig, Rizal Techological University Mandaluyong City chess team stalwart na tumapos ng 10th overall na may 5.5 points.