National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

MATAPOS ang maikling pahinga, muling nagbabalik ang  Laro't Saya sa Parke ng  Philippine Sports Commission (PSC)  sa  Tagum City and Davao City kamakalawa.

Tampok ang 10 events –  zumba, arnis, athletics, boxing, taekwondo, volleyball, gymnastics, frisbee, wushu at basketball – sa grassroots sports program ng ahensiya.

Ang Laro’t Saya Sa Parke ay isang pampalakasan na program ng PSC para sa pamilya at malulong ang mga ito sa sports base na rin sa  kampanya ng nasabing ahensiya .

Bahagi ito ng mandato sa  PSC na  "sports for all" na may basbas ng  Section 6-A of Republic Act 6847 na sinimulan ni Ramirez noong  nakaraang Disyembre  na sinimulan sa  People's Park.

Nilahokan ng karamihang  senior citizens, ang naturang programa ng PSC kasama ang mga kabataan at propesyunal.

-Annie Abad