LUBOS ang pasasalamat ng Fil-Canadian YouTube sensation na si Mikey Bustos sa Taipei, Taiwan dahil sa ikalawang pagkakataon ay kinuha siya nitong kinatawan ng Pilipinas sa larangan ng turismo, dahil marami siyang nadiskubre tungkol sa nasabing bansa.
“This is my second year as ambassador of Taipei and truly honored and grateful for this and to be able to visit Taipei,” sabi ni Mikey nang makapanayam siya ng media sa launch sa Makati Diamond Residences sa Makati City nitong Biyernes.
Apat na beses nang pabalik-balik sa Taiwan si Mikey, kasama ang kanyang pamilya.
“The first time for vacation. Last December (2018), I was invited for Filipino Day to perform, and the two (visits) was for promoting,” say ni Mikey.
Anu-ano sa mga experiences niya sa Taipei ang paborito ni Mikey?“The area that has hot springs, it really great. I also vlog the hot springs really amazing, it’s good for the skin, that was a new for me, and food is excellent in Taipei and my favorite is anything with beef, stinky tofu. Dried beef noodles is really good.”
Bukod sa ipinagmamalaki ni Mikey ang masasarap na pagkain, proud din siya sa magagandang tourist spots doon, na aabot sa 12 distrito. Sa bawat distrito ay mayroong 10 magagandang lugar (120 spots) na puwedeng pasyalan kasama ang buong pamilya at mga kaibigan.
At bilang vlogger sa nakalipas na siyam na taon, masasabing malaking tulong ito kay Mikey bilang influencer kaya naman may mga blessings na dumarating sa kanya.
Nabanggit din ni Mikey na affordable ang mga presyo sa Taipei, na pati mga estudyante ay kayang bumiyahe roon at pati senior citizen ay mag-e-enjoy ding pumunta, dahil madali lang puntahan ang lahat ng pasyalan.
Siyempre bilang nag-out na recently si Mikey bilang miyembro ng LGBTQ, natanong siya kung anong romantic na pasyalan sa Taipei.
“Well, if you’re proud of LGBTQ like me, you can go to Ximending, where they have places there you can hang out. Great places to take photos, in front of Taipei 101 and a lot more,” kaswal na sabi ni Mikey.
Samantala, pitong taon na pala ang relasyon ni Mikey sa kanyang non-showbiz boyfriend, at ngayong 2019 lang sila umamin, dahil sa pakiwari nila ay panahon na pala malaman ito ng lahat at proud sila sa kanilang relasyon.
“We feel free and proud,” saad ng kilalang vlogger.
Ano naman ang puwedeng advise ni Mikey sa mga miyembro ng LGBT na hindi pa nag-out?
“Well my advice, first of all, there’s no schedule. The universe will prepare the right moment for you to say I am who I am.”
Ano naman ang nagtulak kay Mikey para aminin na ang kanyang gender preference pagkatapos ng matagal na panahon niyang itinago ito?
“It’s a mutual decision for me and my partner, we’ve been dating for almost 7 years now, so it was just time. I’m almost 38 (years old), and I really want to be authentic to deliver that message,” katwiran ni Mikey.
At dahil ambassador sa Taipei, Taiwan si Mikey at legal ang same-sex marriage roon, may plano ba silang magpakasal doon ng boyfriend niyang si RJ Garcia?
“Who knows, maybe sometime in the future, but going to Taiwan with my partner was actually really need, because it’s our first vacation out of the country as couple. That was other level to travel for both of us.
“Follow the Mikey Bustos vlog for the plans in another level, ha, ha, ha,” natawang sagot sa amin.
-REGGEE BONOAN