ni Edwin Rollon

HANDA si Ricky Vargas, pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), na harapin ang mga ‘taksil’ sa Olympic body sa gaganaping krusyal na Executive Council meeting sa Martes (Hunyo 18) sa POC office sa Philsports, Pasig City.

Sa pormal na pahayag na ipinarating ni POC Spokesman Ed Picson, sinabi ni Vargas na handa siyang humarap sa Execom sa petsang nais ng Board upang sagutin ang kanilang mga hinaing at “and clear up matters in the interest of unity at this crucial stage of our preparations for the Southeast Asian Games.”

Nauna nang nagpatawag ng Execom meeting si Vargas sa Lunes (Hunyo 17), ngunit iginiit ng mga miyembro na nauna nang naipalabas ang petsang Hunyo 18 at posibleng hindi makarating ang iba kung mababago pa ang naunang napagkasunduan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bilang tugon, inatasan ni Vargas si POC secretary general Patrick Gregorio na kanselahin na ang ipinatawag niyang pulong sa Hunyo 17 at matapang na sinabing dadalo sa Martes para sa nais na petsa ng Execom.

“I’m ready to sit down with POC board members to apprise the group about the various issues that hounds the organization as well as the country’s preparation for the 30th Southeast Asian Games,” pahayag ni Vargas.

Bukas na libro sa sports community ang pagnanais ng POC Board na patalsikin si Vargas bilang POC president, mahigit isang taon matapos manalo sa election na ipinatawa ng local court, laban kay dating POC chief Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Bilang pagpaparamdam, nirigodon ni Vargas ang ilang maseselang committee sa Olympic body kung saan pinatalsik niya si Cojuangco bilang chairman ng Constitutional Amendment at iniluklok bilang kapalit ang kasalukuyang lefal counsel ng POC.

Pinalitan din niya ang ‘bata’ ni Cojuangco na si Richard Bachman ng squasgh racket bilang chairman ng Membership committee at ipinalit si Licas Maneguelod ng muay.

Sinibak din ni si Joey Romasanta bilang chef de mission ng Team Philippines sa 2020 Tokyo Olympics, gayundin si Monsour del Rosario bilang Chef de Mission ng 2019 SEA Games. Si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Butch Ramirez ang pumalit.

“We need new leadership. And if the Board doesn’t support my decision, I’m willing to call the General Assembly,” pahayag ni Vargas matapos ang naturang desisyon sa nakalipas na POC GA meeting.

Sinabi ni Vargas na liliwanagin din niya ang magkakasama sa Phisgoc Foundation, Inc. na kinukwestyon ng Board dahil sa duplikasyon nito sa Phisgoc tna binuo para mangasiwa ng paghahanda sa SEA Games hosting sa Nobyembre. Sa naturang Phisgoc, kasama ni Vargas sina dating DFA Secretary Allan Peter Cayetano at Ramirez.

“I have decided to accept the call of the majority of executive board members for a session with me on the 18th of June to clear up matters in the interest of unity in this crucial stage of our preparations for the Southeast Asian Games,” pahayag ni Vargas.

“I am cancelling the scheduled board meeting called by the POC secretary general on the 17th of June to work out a mutually acceptable date for the executive board to meet.”