NAGKAKAISA ang lahat ng national coach sa hangarin ng Team Philippines na makamit muli ang overall championship sa SEA Games.
Sa pakikipagharap kay PSC chairman at Chef de Mission ng Team Philippines sa SEAG, sinabi ng mga coach na nasa tamang paghahanda ang kanilang mga atleta batay sa inihandang programa.
Ikinagalak ito ni Ramirez ay sinabing ipaaalam niya sa Office of the President sa pamamagitan ni Secretary Salvador Medialdea ang lahat ang mga detalye sa paghahanda ng bansa sa binneial meet sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
“Natutuwa ako sa ating mga coach at talagang determinado sila. This is good for the team. Indication din ito na hindi sila apektado sa gulo sa POC,” sambit ni Ramirez.
“I am heartened to see their show of support and commitment,” aniya.
“It was a good chance to get updated not only on preparations for the Games but with their concerns in general.
Nagsisimula na ang paghahanda ng koponan para muling magwagi sa SEA Games. Noong 2005, nakamit ng bansa ang unang overall title.
Ipababatid ni Team Pilipinas Chef de Mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramriez ang mga situwasyon at kaganapan sa Office of the President sa kasalukuyang paghahanda ng bansa para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games 2019.
“I will be submitting a positive report to Malacanang,” hayag ni Ramirez Huwebes tapos ng serye ng pulong sa mga opisyal ng mga national sports association at coaches ng mga national team. - Annie Abad