BINIGYAN ng masayang send-off ng mga opisyal ng Alaska Milk Corporation ang mga miyembro ng 2019 Jr. NBA All-Stars Philippines kamakailan sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City.

Makikiisa ang All-Stars at Jr. NBA Coaches of the Year bilang kinatawan ng bansa sa kauna-unahang Jr. NBA Global Championship Asia Pacific Selection Camp sa Universitas Pelita Harapan sa Jakarta, Indonesia.

BINIGYAN ng masayang send-off ng mga opisyal ng NBA Jr. Philippines at Alaska ang 10 Pinoy junior cagers na kakatawan sa bansa sa Jr. NBA Asia Pacific camp.
BINIGYAN ng masayang send-off ng mga opisyal ng NBA Jr. Philippines at Alaska ang 10 Pinoy junior cagers na kakatawan sa bansa sa Jr. NBA Asia Pacific camp.

Pinangunahan nina Alaska Power Camp Director Jeffrey Cariaso at Head Coach Tony dela Cruz ang maiksing basketball camp bilang bahagi ng paghahanda para sa 10 junior cagers na napili sa isinagawang Jr. NBA Philippines Camp sa buong bansa.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sasabak sila kasama ang mga piling cagers mula sa Australia, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Singapore, South Korea, Thailand at Vietnam. Sa Jakarta camp, pipili ng 10 lalaki at 10 babae para katawanin ang Asia Pacific sa Jr. NBA Global Championship sa Agosto sa Orlando, Florida.

Nakibahagi rin sa basketball clinic sina Jr. NBA All-Stars Alumni Kenji Duremdes, Echo Laure at Rhayyan Amsali, Alaska Aces Jeron Teng, Sonny Thoss, Simon Enciso, Ping Exciminanio at Chris Banchero.

Ang mga napiling miyembro ng National Team ay sina (GIRLS ROSTER): Dianne Camille Nolasco, 14, Miriam College; Kyla Marie Mataga, 14, De La Salle Zobel; Mikylla Taborada, 14, Corpus Christi School Cagayan de Oro; Justine Mhyrra Vibanco, 13, Saint Joseph Parish School; Princess BJ Marie Villarin, 13, De La Salle Zobel; (BOYS ROSTER): Henjz Gabriel Demisana, 14, Bacolod Tay Tung High School; James Yuan Ison, 14, La Salle Greenhills; Zhan Paolo Moreno, 14, Xavier University Cagayan de Oro; Sebastian Roy Reyes, 14, Nazareth School of National University; Lionel Matthew Rubico, 14, De La Salle Lipa.