MATAPOS ang kanilang naitalang 4-3 extra-inning na panalo kontra Ateneo, sunod na pinataob ng National University ang Katayama Baseball Academy Stars, 2-0, upang umangat sa liderato ng Group A ng 2019 Philippine Baseball League Open Conference.
Nagbigay man ng apat na hits si pitcher Clairon Santos at na struck out ang apat ding batters ng Stars.
"Our pitching and defense did well against KBA,"wika ni third-year NU coach Egay Delos Reyes matapos tumabla ng kanyang koponan sa Adamson sa pamumuno taglay ang markang 3-1, panalo-talo. "But we still need to work on our hitting."
Naniniwala din si Delos Reyes na nagsisimula na silang mag develop ng kanilang chemistry at individual skills na makakatulong sa kanilang preparasyon para sa darating na UAAP season.
"I think our team is showing our potential to be one of the contenders in the coming UAAP season considering we are not fielding our starters at the same time," ayon pa sa Bulldogs mentor.
Ang kabiguan ang ikalawang sunod para sa KBA na lumarong wala ang mga star players na sina Carlos Munoz, Matt Laurel, at Kiko Gesmundo.
Nagwagi din ang Philippine Air Force, 3-2 kontra University of the Philippines.
Kumonekta si Ferdinand Liguayan sa isang sacrifice fly sa fifth-inning upang ihatid sa homeplate si Jhon Lloyd Leis para sa go-ahead at winning run.
Dahil dito, umangat ang Air Force sa kartadang 4-1 sa Group B.
Binawian naman ng Ateneo Blue Eagles ang RTU Thunder, 13-3, sa huling laro upang tumapos sa Group A na may markang 2-3 habang winless naman ang naging kampanya ng RTU (0-5).
Marivic Awitan