INAMIN ni Mr. Yi-ting Liu, commissioner ng Department of Information and Tourism, Taipei City na positibo ang pagkuha nila kay Filipino Canadian Mikey Bustos bilang ambassador ng kanilang bansa dahil maraming turista ang dumagsa sa Taiwan noong 2018.

mikey bustos

Matatandaang si Mikey ang unang ambassador ng Taipei na siya ring kumanta ng My New Crushie campaign at umabot nasa milyon ang views ng music video nito.

Kaya sa ikalawang pagkakataon ngayong 2019 ay si Mikey pa rin ang kinuha nila para sa campaign na Undiscovered Taipei.

Tsika at Intriga

'My face card at 9 years old!' Andrea flinex throwback pics noong 'nene' pa

Base sa paliwanag ng interpreter ng commissioner, “we choose Mikey Bustos because last year he is our ambassador, he is our spoke person and the performance of his job is very great and very outstanding and also a lot of Filipino tourist came and his influence is very big. So this year, we think of him again to come over again and again in Taipei. And we think that his style (promoting Taipei) ay magugustuhan ng mga Filipino.”

Malaking tulong din kung bakit dinagsa ng turista, lalo na ng mga Pinoy, ang Taiwan ay dahil sa visa-free ito.

Sa ginanap na mediacon ng Undiscovered Taipei ay natanong si commissioner Yi-ting Liu kung extended ba ang programang ito.

“As of now, they’re (government) they’re still discussing the visa-free but there’s no immediate answer yet, of course we want to invite everyone to come to Taiwan because we want to increase the Philippine tourist, so we are discussing this,” saad ni Mr. Yi-ting Liu sa pamamagitan ng interpreter.

Matatandaang inanunsyo noong 2018 na extended ang visa-free nila hanggang July 2019 at sa susunod na buwan na ito mag-e-expire.

Base pa sa paliwanag ni Mr. Yi-ting Liu, aalamin pa nila sa Taipei Economic and Cultural Office kung muli itong mae-extend o hindi na.

Ano ang pinakamagandang panaho para pumunta sa Taipei?

“Of course 12 months of the year is very good to come to Taipei pero if you want to ask about the climate feel cool and feel comfortable, January to May because of summer vacation and a lot of holidays,” ani Yi-ting Lui.

Samantala, masaya r i n g i b i n a l i t a ng commissioner na ang Taipei, Taiwan ang unang bansa sa Asya na nagsabatas ng legal same sex marriage.

-Reggee Bonoan