HINDI kataka-taka ang mataas na respeto kay Mike Enriquez hindi lang ng publiko kundi lalo na ng pinamamahalaang GMA News personnel at maging ng kapwa media workers sa iba’t ibang outfit, dahil sa pinaiiral niyang panggalang sa trabaho ng iba.

Mike

Lalo itong naging pronounced nang tanungin si Mike tungkol sa mainit na usapin sa brand of journalism ni Erwin Tulfo. Matatandaang pinagmumura ni Erwin si DSWD Sec. Rolando Bautista nang hindi siya mapagbigyan ng phone interview sa kanyang radio program.

“Bilang kapwa mamamahayag, ‘di naman ako 100 percent sure, we might be transgressing into some ethical and political considerations,” sagot ng isa sa executives at anchors ng GMA News department nang humarap sa presscon kasama ang iba pang journalists ng Siyete para sa pinalakas na Dobol B Sa News TV nitong nakaraang Huwebes sa executive lounge sa 17th Floor ng GMA Network Center. “Kung plain listener lang kami at hindi kami kapwa taga-media, puwede ka naming sagutin. (Ang kausap ni Mike ay ang nagtanong na si Katotong Gorgy Rula.)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Pero kasama natin, kasama mo kahit hindi kayo broadcast, kahit print mga kasama natin ‘yan,” maayos na sagot ni Mike na nagwika ring may proper forum para maipaliwanag ang sarili ng sinumang napapasalang sa kontrobersiya.

“Hindi natin sinasabi na may sabit sila o wala silang sabit. Ang masasabi lang natin, everybody has a day in court. Nasa sa kanila na ‘yon para sagutin ang mga paratang sa kanila, na may karapatan naman sila na marinig.

“Ngayon, ‘yong mga... hindi lang si Secretary Bautista, kundi lahat ng tao... pribado man o gobyerno na ‘di nakakaalam na dehado sila, so to speak, may karapatan din sila magreklamo at gumawa ng mga hakbang. So, kasama ‘yon sa demokrasya natin. Iginagalang natin ‘yon.”

S a m a n t a l a , h i n g g i l s a namemeligrong pagsasara ng ABS-CBN na hindi nabigyan ng renewal ang prangkisa ng 17th Congress na nag-last session at namaalam na nitong nakaraang linggo.

Sa Marso sa susunod na taon ang expiration ng franchise ng ABS-CBN samantalang magbubukas naman ang 18th Congress sa Hulyo 22.

Ma g i n g a n g GMA - 7 na pinakamahigpit na competitor ng ABS-CBN, at nakapag-renew na ng franchise noong 2017 (tatagal hanggang 2042) ay hindi natutuwa sa nangyayari.

“No comment! Hindi naman kami ang nagbibigay ng franchise, Kongreso!” pahayag ni Mike. Nagpatulong si Mike kay Divine Reyes, ang kanilang reporter na naka-beat sa Congress, na nagkuwentong, “Kailangan pong i-refile (ang House Bill 4349) kasi nagsara na po ang 17th Congress. So ire-refile siya sa 18th po.”

“’Yong Congres s , h indi inaksiyunan ‘yong franchise,” susog ni Mike. “That means kailangan i-refile ‘yon. ‘Yon ang sistema.” Dahil nabibilang sa old school, hindi kagaya si Mike Enriquez ng iba sa ilang mga kababayan natin na ikinatutuwa ang kasawian ng kapwa.

“’Di ba mayroong turo sa ‘tin na huwag tayong magbunyi sa kamalasan o sa kasamaang-palad ng iba?” wika ng batikang broadcast journalist.

-DINDO M. BALARES