ANG dating top gunner ng Dela Salle University-Taft, Manila noong dekada 90 na si Glenn Lemen ay napahanay na sa mga de kalidad na manlalaro sa pagsubi ng online Arena Grandmaster (AGM) title sa World Chess Federation.

Si G. Lemen na nagtapos ng kursong Computer Science sa Dela Salle University-Taft, Manila ay kilala sa isa sa pinakamagaling na manlalaro sa "bullet" o one minute game sa online game. Pinakamataas na rating na naabot ni G. Lemen sa "bullet" ay 2400 plus na may handle na lemenglenn sa chess.com at lichess.

Si. G. Lemen ay kumuha din ng kursong compo at piano sa University of Sto. Tomas at recital na lamang ang kulang para maging ganap na pianist artist. Nabigyan siya ng pagkakataon na maipamalas ang husay sa larong chess noong 2008 kung san tumugtog s'ya sa Manhattan, New York sa Carneggie Hall matapos maisama ng lead singer para mag accompanist ng huli.

Ilan sa mga nakakuha ng online Arena Grandmaster (AGM) title sa World Chess Federation ay pinangunahan nina WIM Cristine Rose Mariano-Wagman, FM Robert Suelo Jr., NM Henry Roger Lopez, Joseph Galindo, John Paul Villafranca at lo Aristotle Nikolai Calica.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!