‘TILA hawig sa pelikulang Buy-Bust ang pelikulang KontraAdiksyon na tungkol sa droga. Ang pagkakaiba lang, masyadong cinematic ang pagkakagawa ng pelikula ni Anne Curtis samantalang ang pelikula nina Jake Cuenca, Kris Bernal, Paolo Paraiso, Ritz Azul, Arnold Reyes at Katrina Halili ay raw ang pagkakakuha.

kylie at jake

Pinagkumpara namin ang dalawang pelikula na parehong kinakampanya ni Pangulong Rodrigo R. Duterte tungkol sa mga ilegal na droga.

Sa KontraAdiksyon, pinasok ni Jake ang pagiging PDEA agent para makapanghuli ng mga pusher at user.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

May hindi magandang nangyari sa pamilya ni Jake kaya nagdesisyon siyang sumapi sa PDEA para sa pansariling dahilan dahil gusto niyang hanapin ang mga pumatay sa pamilya.

Kuwento nga ng direktor ng pelikula na si Njel De Mesa: “A lot of people asked me if the movie has something to do with the President, it has nothing to do with the President, but at the same merit it has everything to do with the President because the reason why this is the hot topic right now is because of the trust of the government in the campaign of illegal drugs, so basically doon iikot (kuwento).

“Basically what we mirror here (movie) is what happens in real life. In this movie, there’s no clear cut villain, every character has a merit, there’s something good about them and there’s something evil about them as well and bad about them. Sometimes it’s their choice,” pahayag ni direk Njel.

Si Ritz ang gaganap na asawa ni Jake bilang si Alexis Borlaza at may twist ang kanyang karakter.

Isang PDEA director naman si Katrina at nagsanay siya ng martial arts para magampanan nang maayos ang karakter.

Isang single mom at call center agent naman ang karakter ni Kris na ang sideline ay ang pagiging pusher/ user bilang dagdag kita para buhayin ang pamilya. Nagkaroon din siya ng relasyon kay Jake.

Base sa ipinakitang trailer ng KontraAdiksyon sa ginanap na media launch nito sa Sequoia Hotel sa Mother Ignacia, Quezon City nitong Biyernes, malaki ang gastos ng pelikula dahil all star cast ito.

Siksik sa aksyon ang KontraAdiksyon na ayon kay Jake ay kakaiba sa mga nagawa niyang pelikula dahil multiple ang role niya at talagang nag-enjoy siya sa ginampanang karakter.

Anyway, maraming nakapansin kay Jake na blooming siya ngayon at hindi siya haggard-looking. Ang 2016 Binibining Pilipinas International na si Kylie Versoza kaya ang dahilan ng source of happiness ngayon ng aktor?

Kaagad namang inamin ni Jake na pitong buwan na silang lumalabas ni Kylie at halos ang dalaga ang laman ng kanyang Instagram account.

Aniya, “We’ve been dating for seven months.”

Maraming nagtanong kung bakit si Jake ay open sa relasyon nila ng beauty queen samantalang laging umiiwas sa isyu si Kylie.

“Kung ako tatanungin, I’d rather we both be there at the same time and confirm something together, ‘di ba? Pero if you ask me, like I said, I’m very open with what I feel,” paliwanag ng binata.

Sinabi rin ng aktor na mahal niya si Kylie.

“I do love her from the bottom of my heart. Mahal na mahal ko siya. This is the happiest I’ve ever been.

“I’m happy I’ve met her in this time of my life. At 31, I’m more mature when it comes to relationships, mas disiplinado ako ngayon, mas mature ako, and I know na parang I can take care of her.

“And that’s what I work for every day, I want to deserve her every day.

“Two years kong inaayos ang sarili ko, so two years akong nakapag-focus sa career, ‘di ba? Ako kasi, nu’ng sinabi ko na focused ako sa career, I meant it.

“Ngayon, parang two years later, I’m ready for a relationship,” paliwanag ng aktor.

Sa tanong kung si Kylie na ba ang huling babae sa buhay ni Jake?

“Basta ako, mahal ko siya. Nandu’n ako sa hindi na rin ako bata.

“Kung ako lang papapiliin, yes, siya talaga,” diretsong sagot ni Jake.

Anyways, mapapanood na ang KontrAdiksyon sa Hunyo 26 handog ng Bell Films at NomStudios Production.

-REGGEE BONOAN