TATANGKAIN ni PH chess genius Al-Basher "Basty" Buto na mapasama sa top 5 sa pakikipagtagisan ng talino kontra kay Vietnamese Phan Tran Bao Khang sa seventh round ng 20th Asean + Age Group Chess Championships 2019 na ginanap sa Golden Mandalay Hotel and Hotel Hazel sa Mandalay City, Myanmar nitong Sabado.

Ang grade 4 pupil ng Faith Christian School sa Cainta, Rizal ay yumuko kay Candidate Master Pham Tran Gia Phuc ng Vietnam sa Round 6 sa Under-10 Boys' open division nitong Huwebes.Dahil sa natamong pagkatalo ay napako si Al-Basher sa 3.5 points na dalawang puntos ang lamang ni sole leader Nguyen Thai Son ng Vietnam.

Walang laro ng Biyernes ayon kay Mr. Bong Buto, ama ni Al-Basher.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

KINAMAYAN ni PH chess genius Al-Basher
KINAMAYAN ni PH chess genius Al-Basher "Basty" Buto ng Faith Christian School sa Cainta, Rizal ang karibal na si Ye Yint Naing Tint ng Myanmar sa Round 2 ng Under-10 Boys' open division.

Target naman ni country's youngest Woman Fide Master Antonella Berthe "Tonelle" Racasa na mapaganda ang kanyang standing sa pakikipagtapat kay Chau Dien Nha Uyen ng Vietnam sa Round 7. Ang 12-years-old Mandaluyong City bet Antonella Berthe ay kinapos kay Woman Candidate Master Nguyen Hoang Thai Ngoc ng Vietnam sa Round 6.

Nanatili si Antonella Berthe sa 3.5 points at nasa kasalukuyan na 7th place position kasama sina Jersey Marticio ng Cabuyao City, Laguna, Ruelle "Tawing" Canino ng Cagayan de Oro City, Chau Dien Nha Uyen at Dinh Nguyen Hien Anh ng Vietnam.

Habang ang isa pang Pinay entry na si Daren Dela Cruz ng Dasmarinas City, Cavite ay umakyat sa 3rd hanggang 6th place matapos manaig kay Nguyen Ngoc Phuong Nghi ng Vietnam sa Round 6. Siya ay mayrun ng 4.0 points.

Nangunguna naman si Thai Ngoc Tuong Minh ng Vitenam sa Under-12 Girls' division na may 5.0 points sa six outings.

Nabigo din naman si PH chess wizards Oshrie Jhames ng Dila Dila, Santa Rita, Pampanga kay Tran Bao Minh ng Vietnam sa Under-8 Boys' open division.

Si Oshrie Jhames na Grade 3 pupil ng GNC Montessori sa Guagua, Pampanga ay napako sa 4.0 points kung saan makakalaban niya si Vivaan Vijay Saraogi ng India sa Round 7.

Panalo naman si Herson Bangay ng Lipa City, Batangas kay Dau Khuong Duy ng Vietnam. Si Herson na pambato ng Golden Mind Chess Club ay mayroon nang 4.5 points, iskor ding naikamada ni Tran Bao Minh ng Vietnam. Sina Herson at Tran ay magkasalo sa 2nd at 3rd placers.

Kasagupa ni Herson si sole leader Nguyen Manh Duc ng Vietnam (5.0 points) sa Round 7.

Makakalaban naman ni The Philippines' Mark Jay Bacojo si Candidate Master Vu Hoang Gia Bao ng Vietnam sa Round 7. Si Bacojo na front liner ni Dasmarinas City, Cavite Mayor Elpidio "Pidi" Barzaga Jr. ay winasiwas si Myanmar’s top gunner Kyaw Myat Aung sa Round 6 tungo sa solo ledearship board na may 5.5 points mula sa five wins at draw sa six games of play sa Under-14 Boys' open division ng Standard competition.