MATIKAS ang laban ng national men’s softball team – tanyag bilang Blu Boys – laban sa mapanganib na Cuban sa World Championship Group A match up.

Magtutuos naman sa hiwalay na laban sa Group A ang defending champion New Zealand at Asian champion Japan.

BUO ang tiwala ni ASAPHIL president Jean Henri Lhuillier sa kampanya ng Blu Boys sa world championship.
BUO ang tiwala ni ASAPHIL president Jean Henri Lhuillier sa kampanya ng Blu Boys sa world championship.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We have been working hard for this, and for the Blu Boys playing against the world's best teams, will certainly provide us with the needed international experience while allowing us to determine our improvement areas for the team,” pahayag ni Jean Henri Lhuillier, ASAPHIL president. Kumpiyansa si Lhuillier na may paglalagyan ang Pinoy sa torneo na nagtatampok sa top 24 team sa mundo. Tangan ng Philippines ang No.17.

Para kay Blu Boys head coach Eufracio de la Cruz, hindi pahuhuli ang Pinoy sa laban.’”I believe we have a big chance of making it to the top ten as we have been preparing hard for this since we qualified,”aniya.

Batay sa format at mangungunang apat na koponan sa bawat grupo ay makakausad sa playoffs.

Ilang sa mga high ranked team ay kasama ng Team Philippines sa Group A.

Sunod na haharapin ng Blu Boys ang 13th-ranked Botswana sa Hunyo 15, No.5 Argentina sa susunod na araw , No. 3 ranked Japan sa Hunyo 17 kasunod ang host Czech Republic. Makakaharap ng Blu Boys ang New Zealand sa Hunyo 19 at huling makakalaro ang Mexio sa Hunyo 20.

Magkakasama sa Group B ang powerhouse teams Canada, Australia, United States, Venezuela, Denmark, South Africa, Netherlands, at Singapore.

Sanctioned ang torneo ng World Baseball Softball Confederation (WBSF).