Kinasuhan ng parricide ang isang construction worker matapos umanong barilin at mapatay ang kanyang nakatatandang kapatid, sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Cordova, Cebu.

Ang suspek na kinilalang si Eduardo Sitoy, 42, ay hawak na ng mga awtoridad.

Dead on the spot naman ang biktimang si Reynaldo, 55, kapwa taga-Sitio Atabay, Barangay Poblacion, ng naturang lalawigan.

Ayon kay Staff Sergeant Reynato Inot, ng Cordova Municipal Police Station (CMPS), armado ng kutsilyo ang biktima nang kumprontahin nito ang suspek na armado naman ng cal. 357.

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Sa gitna ng pagtatalo, binaril umano ng suspek ang biktima na naging sanhi ng agarang pagkasawi nito.

Inaalam pa ng pulisya ang ugat ng pinag-awayan ng magkapatid.

Fer Taboy