SILA ang pinakamasayang news organization sa Pilipinas, ang GMA News team.

GMA News Team

Hindi sila katulad ng ibang news personnel ng ibang outfit na masyadong stiff o conscious sa status at posisyon. Dedicated at seryoso sila sa paghahatid ng mga balita at impormasyon sa publiko pero hindi sila natatakot mag-enjoy sa trabaho.

Katunayan, expertise nila ang info-tainment. Hindi sila bago sa out of the box format kahit pa nasa traditional media sila. Turf na nila ang info-tainment at mahihirapan ang ibang news organization sa pagtuklas kung paano nila ito nagagawa.

Tsika at Intriga

Inka Magnaye, nag-sorry sa nai-post na road accident sa Shaw Boulevard

Kung ang iba’y takot na takot mapintasan, hindi nangangamba ang GMA News team na maging ridiculous o katawa-tawa, excuse me po!

Obvious ito sa radio program pa lang nina Mike Enriquez, Ali Sotto at Arnold Clavio sa DZBB. Hindi lang co-anchor nina Ali at Arnold si Mike kundi boss din, pero hindi sila nag-aalangang okrayin ito.

Huwag na ring pagtakhan kung mas komportable sa GMA News team ang ibang media groups, tulad ng entertainment writers, kasi nga masaya silang interbyuhin. At never nilang itinuring na lesser colleagues ang ibang grupo, pantay ang turing nila sa lahat ng media workers.

Isa sa mga inaabangan ko ang presscons nila, kaya kahit nasa probinsiya pa ako kinakailangang lumuwas para makadalo. Hayun, sa announcement ng bigger at better na Dobol B sa GMA News TV last Thursday, inokray agad ni Ali si Mike nang tanungin kung mayroon na ba silang make-up artists ngayong hindi na sila sa radyo lang kundi napapanood na rin simultaenously sa TV.

“Dati nga hindi kailangang maligo, kasi sa zumba naman ako tumutuloy pagkatapos ng programa,” kuwento ni Ali. “Ngayon obligado nang maligo at mag-ayos. Pero minsan nagulat ako, kasi ang make-up ko masyadong initiman ang ilong ko. Sabi ng staff sa akin, huwag akong magtaka, kasi raw ‘yong make-up artist, kay Mike ‘yon.”

Speaking of dark humor, ha-ha-ha!

Ang dami ring impertinent na sulong ni Arnold, pero, as usual, dedma si Mike!

Hanggang sa may magtanong kung ano ang ginagawa nilang hakbang kapag may nagbabanta sa buhay nila.

“Minsan may natanggap akong death threat,” seryosong kuwento ni Mike, “ipinarating ko ito sa security consultant namin, nakipagtulungan sila sa PNP. Nakalagay sa pula ‘yon kapag top secret, ‘di ba? Natuklasan nila sa imbestigasyon nila kung sino ang nagpadala ng death threat sa akin, ang nakalagay na pangalan doon, Arnold Clavio! Joke!”

Hayun, pasimpleng nakaganti si Mike!

Marami pa pong kuwento tungkol sa pinakamasayang news team sa Pilipinas sa susunod kong items.

-DINDO M. BALARES