NASARGO ni PH young cue artist Bernie Regalario ang panibagong titulo sa taon matapos magkampeon sa Wilde Blu 9-ball at 10-ball WTA (Winner-Take-All) Challenge na ginanap sa Ding’s Billiards sa Tandang Sora, Quezon City.

MATIKAS ang tumbok ng billiard wiz na si Bernie Regalario

MATIKAS ang tumbok ng billiard wiz na si Bernie Regalario

Ang 14-year old Regalario, incoming Grade 9 student ng Arcadio Santos High School sa Paranaque City, ay nagwagi kay Paul Kenneth Arpilleda sa kanilang championship showdown sa 10-ball competition.

Una dito, nanalo rin si Regalario kontra kay Arpilleda sa 9-ball competition.Kabilang sa mga biniktima ni Regalario sa Wilde Blu 9-Ball WTA Challenge ay sina Rey Calanao at reigning J&P Navigator Japan 9-Ball Cup ruler Earl Vincent “Vicoy” Sullano Trinidad.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Nawalis ni Regalario ang Wilde Blu 9-ball at 10-ball WTA Challenge sa torneo na itinataguyod nina 1996 Jakarta, Indonesia Southeast Asian Games gold medallist Victor Arpilleda at Mr. Nino Lopez, local distributor ng Wilde Blu chalk sa Philippines at sa Indonesia at maging ang Volturi Custom Cases PH.

Ang two-day event ay suportado rin ng The Para Shop Manila, Jun Cornista ng Peri Philippines,Volturi Custom Cases PH, Reymond Delos Reyes ng Flawless Cue Shaft Cleaner, Victor Arpilleda ng Ding’s Billiards, The AnitoKid on Billiards, Makati Pool Players Association - MAPPA sa gabay ni president Arvin Arceo, world renowned blogger Leslie “ AnitoKid” Mapugay, Edgar M. Acaba ongFilipino 9 Ball at ni Angel Bautista ng Angel Bautista Custom Cues.