SA tagal na ni Kakai Bautista sa showbiz ay unang beses pala niyang gumanap bilang Overseas Filipino Worker (OFW) dahil ang kadalasang napupunta sa kanyang role ay best friend ng bida at yaya o katulong. Kaya nga minsan na siyang tinawag na ‘ang pambansang bestfriend at yaya.’

Kakai copy

Minsang naging bida sa pelikulang Harry and Patty produced ng Cineko Productions na ipinalabas noong 2018.

Kaya naman excited siya sa pelikulang OFW: The Movie na ang karakter ay isang domestic helper sa Singapore na nagkaroon ng maraming oportunidad para gumaan ang buhay.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Nangarap na maging maganda ang buhay, ang karakter ko bilang masayahin at masipag ay naka-attract ng maraming luck sa Singapore at nagkaroon ng maraming opportunities, ‘yung hindi inaasahan na magiging endorser sa Singapore, parang fairy tale like ‘yung buhay ko,” kuwento ni Kakai.

T a g a - S a m a r a n g karakter na ginampanan ni Kakai bilang Josie at na-enjoy daw niya ang pagsakay sa bangka na binabaybay ang Manila Bay.

“Dinaya na po kasi ‘yung shoot at dito kinunan kunwari na nakatira ako sa barong-barong at nagkaroon ako ng chance na makausap ‘yung mga nakatira ro’n. Na-enjoy ko ‘yun kahit sobrang init, at least na-experience ko,” pahayag pa ng komedyante.

Hindi namin personal na kilala si Kakai pero ilang beses na namin siyang nakaka-tsikahan sa mga presscon at wala kaming ginawa kundi tumawa nang tumawa sa kanya dahil sa mga adlib niyang kuwento.

H a n g g a n g s a naikuwento ni Sylvia Sanchez na sobrang close si Kakai sa mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde at madalas na nasa bahay ang komedyana sa bahay nila.

Dagdag ni Kakai , “madalas po ako sa kanila, nakikikain ako sa mayaman.”

Sabi naman ni Ibyang, “si Arjo tuwang-tuwa sa kanya (Kakai) kasi nakakatawa, sabi nga niya, ‘dito ka na lang Kakai.’

“Tingin yata po sa akin key chain? Kami rin po kasi nina Maja (Salvador) kapag nagsasama-sama kami nina Thou (Reyes), Arjo wasak kami. Si Arjo kasi bungisngis, medyo may time na seryoso siya,” natatawang kuwento ng dalaga.

Anyway, sa karakter ni Kakai bilang OFW ay aminado siyang nahirapan siya physically dahil dapat ay listo sa rami ng pinapagawa ng amo at may mga inaakyat siya, “hirap kasi sa edad kong 40, dapat medyo bata pa ang gagawa no’n. Pero ‘yung preparation po emotionally, naging madali naman kasi bubbly naman ang character ko bilang si Josie at sinigurado kong hindi makikita ‘yung Kakai kay Josie.”

At dahil unang beses na gumanap bilang OFW ay sobrang saludo at bilib si Kakai sa mga malalakas ang loob na nagtrabaho sa ibang bansa.

“Lahat naman po ng work may risk, maski naman dito sa showbiz mahirap din, pero ang mga OFW, ang risk nila na iwan ang pamilya para pumunta sa ibang bansa tapos wala kang kakilala, wala kayong means na magkausap ng pamilya mo dahil either wala kang cellphone. Iba ang level ng hirap at tapang mo. Kung hindi mataas ang emotional quotient mo, mababaliw ka. Kaya bilib ako sa mga nag-o-OFW,” pahayag ng aktres.

Samantala, may isa pang pelikulang OFW din ang karakter si Kakai pero ang kasama naman ay sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, sa Hello Love, Goodbye, mula sa Star Cinema na idinirek ni Cathy Garcia Molina.

-REGGEE BONOAN