NAISALPAK ni Royce Alforque ang lay-up may 23 segundo ang nalal;abi para sandigan ang FEU Tamaraws sa makapigil-hiningang 69-67 panalo kontra Adamson Falcons para angkinin ang seniors championship sa 25th Fr. Martin’s Cup Summer League.
Nag-ambag si RJ Abarrientos ng 23 puntos at limang assists para sa Tamaraws sa torneo na itinataguyod ng Resorts World Manila, Bedans 62-66, at Cocolife.
Matapos ang sablayu na tira ni Joshua Yerro sa huling isang minuto ng laro, nakakuha ng tyempo si Alforque para maibigay ang winning margin sa Morayta-based squad.
Sumablay ang tira ni JL Capulong sa Adamson sa buzzer.
Sa women’s division, napanatili ng National University Lady Bulldogs ang dominasyon sa collegiate league nang gapiin ang UST Tigresses, 63-38.
Hataw si UAAP women’s MVP Jack Danielle Animam sa naiskor na 15 puntos, habang kumana si Monique Del Carmen ng 12 puntos sa Lady Bulldogs.
Nagawang pigilan ng NU ang UST na makaiskor sa second quarter tungo sa dominanateng panalo.
Sa juniors division title match, naisalab ng Arellano Braves ang pitong puntos na paghahabol sa final period para masilat ang many-time NCAA juniors champion San Beda, 52-50.
Naisalpak ni Felix Villarente ang three-pointer may 3.5 segundo ang nalalabi para makumpleto ng Arelano ang come-from- ehind win.
Nanguna si JD Nepomuceno na may 14 puntos sa Arellano.