HINDI sasala ang sandok sa palayok, sigurado ako, matapos ang palaban na Facebook post ni Director General Harold Clavite, ng Philippine Information Agency (PIA), ay tuluyan na itong masisibak sa puwesto, sa pagbabalik niya mula New York sa isang linggo – ‘yon ay kung may balak pa talaga siyang bumalik!
Aba’y mismong si Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar ang kanyang kinalaban at ang mga opisyal naman na nakapaligid dito ay sinabihan niya na mga “IDIOT.”
Ito ang ilang bahagi ng “shout out” ni DG Clavite sa kanyang Facebook account makalawa: “Yesterday, 11 June, I received a copy of a Department Order signed by Secretary Andanar stripping me of my authority in personnel action in PIA and transferring same to PCOO. Again, as stated in the Order, due to allegations of corruption. Allegations contained in an anonymous letter.”
Wow –sapagkakaalam ko, ang Ombudsman ay maaaring mag-imbestiga ng kahit anong reklamo – lalo na sa usaping kurapsiyon -- laban sa mga opisyal ng pamahalaan, kahit ito ay isunulat lamang sa kaha ng sigarilyo basta may kalakip na dokumento!
Dagdag pa ni Clavite: “Give me a break. The Secretary is clearly ill-advised and is making haphazard decisions. Surrounded by the best of the best running his immediate office, he has been consistent in making inappropriate moves as far as PIA is concerned since 2017. I have a list and I’m happy to share.”
Para sa akin ay tuwirang pagsalangsang ito sa kanyang boss na si Secretary Andanar at may halong pagbabanta pa na hindi dapat palampasin ng PCOO na mother unit ng PIA.
“I cannot let this pass. Government officials especially those who represent the President should study their acts well and be mindful of their decisions and actions,” ani Clavite.
Tinuruan pa ng magandang asal ang kanyang boss na si Andanar!
Ang todo reklamo niya: “I sacrificed too much and I don’t deserve this stupidity and shall not allow myself to be bullied this way.I left my family in 2016 to help the President and serve the country I so love and respect. Now I am ready and willing to give up that commitment for Stacey’s ballet recital.”
Eh ‘di wow – ang ipinuputok pala ng butse niya ay dahil hindi siya pinayagan ng kanyang bossing na si Sec. Andanar na bumiyahe sa kanyang bansa, este sa New York pala, para sa maka-attend sa ballet recital ng kanyang unica hija.
Ang dahilan naman kasi ng ‘di pagpayag ni Secretary Andanar ay may “ongoing investigation” ng mga alegasyon ng kurapsiyon laban kay Clavite, na sinasabi naman nito na gawa-gawa lamang ng mga tauhan ng PIA na hindi gusto ang “paglilinis” na ginagawa niya raw sa kanyang tanggapan simula nang maupo siya rito bilang director general.
At ito ang pinakamatindi na “finale” ni DG Clavite sa kanyang FB: “I am a New Yorker. I am rude. Get out of my way, idiots! See you at the airport.”
Ang tindi niya ‘di ba? Ngunit natawa ako sa isang netizen na ‘di na yata nakatiis sa pagiging sobrang “rude” ni DG Clavite at nag-comment ng ganito sa post niya: “Ipinagmamalaki mong New Yorker ka, eh paano ka pinagtiwalaang maging USEC ganung may lahing KANO ka pala... ’di p’wede rito ang kayabangan at porma ng mga lahing “kano” -- kung Tondo Boy ka pa baka sakaling katakutan ka pa! Me tama ba ako Komrad Peter Mutuc?”
Abangan natin ang susunod na sibakan blues, na siguradong iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte!
Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected]
-Dave M. Veridiano, E.E.