Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

4:30 n.h. -- San Miguel vs Blackwater

7:00 n.g. -- Magnolia vs NLEX

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

TATLONG koponan, sa pangunguna ng San Miguel Beer ang maghahangad na makamit ang una nilang tagumpay sa pagsabak sa nakatakdang double header sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa MOA Arena sa Pasay.

Matapos ang kanilang makasaysayang 5th straight Philippine Cup title, sumadsad sa unang dalawa nilang laban ngayong second conference ang Beermen, pinakahuli nitong nakaraang Sabado sa kamay ng TNT Katropa, 97-110, sa larong idinaos sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Gaya ng Beermen, bigo rin sa unang dalawa nilang laro ang nakaraang Philippine Cup losing finalist Magnolia Hotshots.Huli silang bumagsak noong nakaraang Miyerkules sa kamay ng Northport, 99-102.

Ang ikatlong koponang maghahangad ng unang panalo ay ang NLEX na winless pa rin matapos ang una nilang limang laban, pinakahuli noon ding nakaraang Sabado sa kamay ng namumunong Blackwater, 106-132.

Ang Road Warriors ang makakatunggali ng Hotshots sa huling laro ganap na 7:00 ng gabi habang ang Elite na galing sa back-to-back wins na nag-angat sa kanila sa markang 5-1 ang makakasagupa ng Beermen sa unang salpukan ganap na 4:30 ng hapon.

Malaking kuwestiyon kung magagawa ng Beermen sa pamumuno ni import Charles Rhodes at reigning 5-time MVP Junemar Fajardo na makalusot sa rumaratsadang Elite na pamumunuan naman ni Bobby Ray Parks at import Alex Stepheson.

Samantala sa tampok na laro, umaasa naman si coach Chito Victolero na unti-unting makakapag-adjust ang kanilang replacement na si James Farr.

Ito’y matapos ang kanyang naging unang laro kung saan tumapos ang 26-anyos na reinforcement na pumalit sa injured na si John Fields nna may 11 puntos, 14 rebounds, 4 assists, 4 steals,1 block at 6 na turnovers.

“It’s very hard also for our new import kasi — it’s not an excuse — pero yung totoo, may jetlag pa siya,” sambit ni Victolero. “He’s coming from almost 20-hour flight and he only have one practice sa’min.”

“He has a good start. Maganda yung start niya. The problem is … Wala siya talagang legs eh. So after how many minutes, yung kaniyang shot selection hindi na maganda, yung kaniyang decision-making,” aniya.

-Marivic Awitan